Ako Ito

0 0 0
                                    

AKO ITO
by Gio Aragon
Ako ito.
 
Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba,
o kung ka-kasya ba sa isang komposisyon.
 
ilang pahina,
limang minuto
ang ihahaba at itatagal nito.
 
Posibleng hindi ko agad makabisado…
 
 
 Pero ito ang istorya ko.
 
 -------
  
(Natoy: Dugyot. Isang depressed na tao sa gitna ng pandemyang ito.)
  
-------
 
 
Intro: Pitch Black atmosphere, biglang
bukas ng spotlight. Focus kay Arvin. Habang nagsasalita si Arvin nanonood lang si Ariez, at iikot ang kamera kay Arvin paikot kay Ariez,
dadaan sa likod ng ulo ni Ariez, kuha sa camera si Arvin paikot muli
pabalik kay Arvin tapos transition at simula na ang kwento ni Ariez na “ako
ito.”
 
Outro: nagsasalita si juan
miguel at dadaan sa likod ni juan miguel tas transition, ang magsasabay ang
boses ni Arvin at ni Ariez hanggang si Ariez nalang ang nagsasalita at
nagkekwento ng buhay nya at si Arvin na ang nakaupo at nakikinig sa kanya.
 
------------
 1.
 
(Scene: Madilim yung kwarto, walang ilaw, mainit, rinig sa camera yung tunog ng pumupugang electric fan, iikot ung kamera sa kagamitan sa kwarto hanggang sa mahagip ng kamera si Arvin. tapos tahimik, fade to nothing ung tunog, focus ang kamera kay natoy nakatalikod, nakaupo both hands naka clasp parang nagdadasal, nakayuko lang si natoy, tapos magfofocus sa mukha ni Ariez na nakayuko tapos biglang tingin sa kamera)
 
 
Ako ito.
 
Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba,
o kung ka-kasya ba sa i-isang komposisyon.
 
ilang pahina,
ilang talata,
ilang minuto
ang ihahaba at itatagal nito.
 
Posibleng hindi ko agad makabisado…Posibleng di ko alam kung paano ikwento pero heto na.
 
 
Ito ang istorya ko.
 
Magsisimula ako sa umpisa,
 
sa kung paanong nangyare ang
lahat ng ito
Tinanong ko sa sarili ko kung bakit ganito?
 
Hindi malaman kung bakit bigla nalang nalulungkot ng wala namang maayos na dahilan
Gulong gulo na parang (Scene: naliligo) nalulunod ako sa dami ng boses na umaagos ng patuloy sa isip ko
 
Na tila kahit tahimik naman sa paligid ko maingay! madaming tunog, napaka ingay pa rin ng mundong ako lang ang nakakaalam.
 
Wala na akong pakialam
kung abutin ako ng ilang talata dito,
 
Pero hindi ko na kayang patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito.
 
 
Napapagod na ako. Napapagod din ako
 
 
  
SCENE: iba ibang tao, mabilis na
scene lang pero iba ibang tao na ang lines ay “AKO ITO” “AKO IKAW” “IKAW AKO” 
IKAW IKAW”
 
Ako ito.
 
Magsisimula ako sa umpisa,
kung saan nasa kalagitnaan pa tayo ng pandemyang di matapos tapos.
 
Hindi ko na magawang mapansin ang mga tao sa paligid ko.
Hindi ko magawang mapansin ang pagkain na hinanda pa ng Nanay ko
 
                             Pero hindi ko man lang
NI HINDI KO man lang din matignan ang mga totoong taong nangangamusta. (scene: “kamusta ka na?)
 
Abot kamay ko naman?
Ngunit hindi ko mapansin-pansin
 
dahil sa mabigat at umaapaw na damdamin ko
 
Sinisisi
 
Sinasaktan
 
At Sinasakal ko no ang sarili ko.
 
 
 
Gusto ko nalang mawala.
Maglaho na parang bula,
 
Parang mantsya sa damit mo
Na gusto kong alisin
 
Gusto ko nalang mawala.
 
 
Dahil sa mga sunod-sunod na problemang nagpapatong-patong
Sa mga sitwasyong pakiramdam kong kulang pa rin pala.
 
 
Para akong isdang tinaggal mo sa tubig na tahasan mong binitawan para malunod sa sarili kong mga iniisip.
 
 
(Scene: Bago matulog)
 
Paikot-ikot, paikot-ikot,
paikot-ikot.
 
Paikot ikot ang mga bawat pangyayari sa isip ko
 
Sa bawat pag-ikot, Pabigat ng pabigat ng Pabigat ng pabigat . . .
 
Ang luhang pilit kong sinasalo
Kasabay nito ang pagsuko
 
 
Iniiyak at sinusumbat na bakit hindi mo nalang ba ko kunin? DI MO NALANG AKO KUNIN?
 
Kinukwestyon kung ano ba talagang saysay ko.
 
Tinatanong kung ano pa bang silbi ko sa mundong ito
 
Bakit hindi mo nalang ba ko kunin? Bakit. Bakit Bakit.
 
 
Gusto ko nalang mawala!
Gusto ko nang kumawala.
Gusto ko nang magparaya.
 
 
Paulit-ulit, paulit ulit,
paulit-ulit
 
Paulit ulit nalang kasi….
 
 
(Scene: Aso; shots ng Aso na pinagtatabuyan ng mga tao, focus sa pusa papalapit kay natoy)
 
 
Ako ito (Focus sa Aso, naka tanghod sa mga taong dumadaan, meaning parang sya yung Aso)
 
Ako itong naghahangad at umaasang may papansin kahit isa lang
Kahit saglit lang
 
Na kahit magmukha akong desperado, kailangan ko lang naman ng isa o kahit na sino man, na makakaintindi sa sarili kong di ko rin maintindihan.
 
Na baka sakaling maiahon mo ako sa dagat ng iniisip ko, na baka kaya mong lagyan ng kulay ang madilim na paligid ko.
 
Ako ito. Ako ikaw. Ikaw ako.
 
Kabisado ko na ang paulit-ulit na tingin ng iba’t-ibang taong ninais kong matulungan ako.
 
Nandidiri. Nanghuhusga kahit na walang salita ang lumalabas sa labi nila.
 
Nandidiri.
 
Gusto ko lang naman mabuhay. Gusto ko lang din naman maintindihan. Gusto kong maging buhay.
 
Nasa rurok na ako ng pagdadalamhati, nang bigla ka nalang lumapit at nilahad ang mga palad mong kusa ko namang hinagkan.
 
Pinasan mo ako sa halip na ipagtabuyan at isantabi sa sulok-sulok.
BInigyan ng makakain na syang bumusog sa uhaw at kagutuman ko.
Binigyan mo ako ng tingin na payapa sa pakiramdam ko.
 
 
Tagal ko ring hinintay to.
 
Tagal ko ring pinangarap para sa sarili ko to. Ganito pala.
 
Ganito pala ang pakiramdam ng mapansin.
Ganito pala ang pakiramdam ng magkaron ng kumot sa madilim at malamig ng gabi.
 
Ganito pala.
 
Ganito pala ang mahalin ang sarili.
 
Ako ito si Ariez
 
Bumabangon, Lumalaban at magpapatuloy pa rin sa buhay.
Kasi Ako ito.
 
At mahal ko ang sarili ko.

The End.
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako Ito By Gio AragonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon