Selos (Oneshot)

63.4K 1.5K 370
                                    

FB Page: http://www.facebook.com/SweetPeachStories.Official

(Or click the external link)

~

"Ano na naman ba problema mo ha?" mariin nyang tanong sakin. Eto na naman po kami paulit-ulit nalang. Minsan nakakatanga na din mag-explain.

"Wala." usual na sagot ko na hindi nakatingin sa kanya at kahit na meron naman talaga akong problema. At mukhang hindi nya ko natiis, hinawakan nya ng mahigpit yung kaliwa kong braso at saka nya hinila yung upuan ko para mapaharap nya ko sa kanya.

"ANO BANG PROBLEMA MO? KANINA KA PA GANYAN! NAKAKAGAGO NA." sabi nya saken na halos pasigaw na. Nainis na ko kaya naman sinagot ko na sya.

"Ano magpapaulit-ulit tayo dito ha? Nagseselos nga ko hindi mo maintindihan 'yon!?"

"Wala naman akong ginagawang mali ah!? Sa susunod nga ilugar mo yang pagseselos mo!" lalo akong nainis kaya hinigit ko yung braso ko mula sa kanya. Tinalikuran ko nalang sya at nagsimulang magsulat. Pero hindi ko din natiis kaya napaiyak na ko. Pigil na hagulgol na yun actually. I was expecting a back hug from him. Yung tipong iko-comfort nya ko para matigil ako sa pag-iyak at saka sya magso-sorry. Then again, nothing came.

Kaya ayokong umiiyak sa harapan nya kasi napapahiya lang ako sa ibang tao. Mas pinipili nya pa yung pride nya kahit na nakikita nya kong umiiyak na sa isang tabi. Nakakainis. At sobrang nakakasakit na. Kaya ayoko mang gawin, ginawa ko pa din. Nag-walk out ako. At alam na alam ko na, hindi nya ko susundan.

Alam ko namang nakakasawa na din yung pagiging childish at selosa ko, alam ko namang hindi din magtatagal iiwan nya na ko. Ramdam ko na yun, ramdam ko nang pinagtitiisan nya nalang ako dahil sa legal kami. Kung kaya ko nga lang iwan na sya e, edi sana ako na tumapos ng relasyon na 'to. Pero ayun yun e, hindi ko kaya kasi mahal na mahal ko sya.

Kaya lang, nakakapagod na.

Hindi ko na alam kung hanggang san pa yung itatagal ko. Hindi ko na alam kung tatagal pa ba talaga ako. Alam ko namang nahihirapan na sya, pero mas nahihirapan ako lalo na ramdam na ramdam ko na yung pagtitiis nya. At ramdam ko na din yung lagay ko..

Maga mata ko ng makarating ako sa bahay. Nagmano lang ako kay Mama at saka ko dumirecho sa kwarto ko. Gusto kong magwala, gusto kong magsisisigaw. Pero wala na kong lakas para gawin pa 'yun. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko, hoping na pag gising ko magiging okay din ako.

12:04AM, nagising ako ng marinig kong umiiyak si mama. I was about to get up pero hindi ako makagalaw. Malabo din ang paningin ko kaya nagre-rely lang ako sa naririnig ko. Still, I gathered all my strength para lang makapagsalita ako. Hirap na hirap na si mama ayoko na syang pahirapan pa. "Ma-ma." Malungkot syang ngumiti ng narinig nya ko. Naospital na naman pala ako.

After ko maospital kinailangan kong magpahinga. Ilang araw na din akong hindi pumapasok. Ilang araw ko na din syang hindi kinakausap. The day after that night kasi nakiusap ako kay Mama na ipa-discharge ako. Nung una ayaw nya pero ako na mismo nagsabi na tumigil na sa pagpapagamot sakin. Naiiyak man sya e, wala syang nagawa. Ano bang silbi ng mga gamot na yun kung hindi na din naman ako gagaling? Ba't hindi nalang nila ko direchuhin.

Selos (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon