CHAPTER 18: "FIND ME, CHRISTINE"

28 0 0
                                    

*FLASHBACK* (Christine’s POV)

               

                “Miss, okay ka lang?”, habang umiiyak ako sa garden ng school namin, may lalaking lumapit sa’kin at inabutan ako ng panyo. Ako naman, ayokong tumingin sa kanya kasi makikita niya akong umiiyak ng sobra; magang-maga na ‘yung mata ko. “Eugene nga pala”, he added. Kinuha ko naman ‘yung panyo at pinunasan ko ‘yung luha ko. Hindi pa rin ako sumasagot, hindi rin naman siya tumitigil magsalita.

                “Hindi ko alam kung anong dahilan kung bat ka umiiyak. Pero gusto kong pagaanin yang loob mo.”, ako naman, tahimik pa rin. Nakikinig lang ako sa kanya. “Nung bata pa ‘ko, hindi ako iyakin. Makulit ako, lagi akong napapagalitan ng dad ko kasi, pati sa school napapa-tawag siya ng mga teachers ko dahil sa sobrang pangungulit ko. Pero nung 10 years old ako, may nangyari na parang ayoko nang tumigil umiyak.”, na-curious naman ako bigla. Ano kaya yun? Humarap na ako sa kanya at nakita kong ang lungkot na niya. Namumula yung pisngi, at yung mata niya halatang iiyak na. Napansin ko naman yung pierce niya sa labi nung pinilit niyang ngumiti. Dun ko lang din napansin na ang haba ng mga pilik-mata niya. “Bakit?”, I asked.

                “My mom died. Car accident.”, yun lang at naluha na talaga siya. Sabi niya, papagaanin niya daw yung loob ko. Pero lalong bumigat lang yung nararamdaman ko. “Eugene, lalo mo lang pinabigat yung nararamdaman ko.”, I said. Pero nginitian niya ako. “No.”, he answered. “hahayaan kitang umiyak,  basta ba mas mabigat yung dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon.”, bigla naman akong nahiya. Umiiyak ako dahil nadapa ako habang bumababa ng hagdan kanina at nasugatan yung siko ko. Walang sinabi sa dahilan kung bakit umiyak yung 10 years old na Eugene noon. Huminga ako ng malalim, hindi ako tumitingin sa kanya. “I’m sorry”, I said. Kinuha ko ‘yung panyo ko. (may panyo naman kasi talaga ako) tapos yun yung iniabot ko sa kanya. “Punasan mo na yang luha mo. Tara, kain na lang tayo sa canteen.” Kinuha niya ‘yung panyo sabay hinawakan niya yung kamay ko. “Wait”, he said. “dadalhin kita muna sa clinic. Alam ko namang naiiyak ka kanina dahil dyan eh.” Nagulat ako. Alam niya kung bakit ako umiiyak. Siguro nakita na niya akong nadapa kanina? Kaya niya ako nasundan dito sa garden. I held his hand back and said, “Eugene, Christine nga pala.”

*END OF FLASHBACK*

                Huh? Bakit napanaginipan ko yung unang beses na nagkita kami ni Eugene? Pagtingin ko sa orasan, 5:33 AM. Ang sarap ng tulog ni James sa tabi ko. Napagod ata sya ng sobra sa pagga-gala namin. Hindi maganda yung pakiramdam ko, kaya tinawagan ko si Eugene...

ME: Gene?

HIM: Christine.

ME: Sinagot mo agad. Gising ka rin pala.

HIM: Hindi ako makatulog dito sa hospital eh.

ME: WHAT?! ANONG GINAGAWA MO DYAN?!

HIM: Wala.

                Alam kong may tinatago siya sakin. Like, we’ve been friends for how many years now!

ME: Eugene, anong nangyari kase?! Bat nasa ospital ka?

HIM: Christine, sumemplang kasi ako kagabe. Okay lang ako! Basag yung motor, pero walang nabasag sa mga buto ko. I mean, I’m fine! I’m okay. I’m...

ME: EUGENE!!! YOU’RE STUPID! HINDI KA NAG-IINGAT! FOR SURE, NAKAINOM KA NA NAMAN! ANO BANG PROBLEMA KASI?!

HIM: Hahahahahaha Christine!

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon