01.

83 3 0
                                    

When lunch time came, I immediately stood up and went outside. Hanggang ngayon, nagugulat pa rin ako kapag may bumabati sa akin na hindi ko kaklase. I guess, they're just being friendly. Hindi naman ako sikat sa school namin kaya hindi ko talaga alam kung bakit pinapansin ako ng mga tao.

People may think that I don't have any friends nor I am friendly but, it's just their impressions. Marunong naman akong makipag-socialize sa tao. Sadyang mas sanay akong kasama ang mga pinsan ko.

Pagpasok ko sa canteen, namataan ko kaagad ang mga pinsan ko. Unang nakapansin sa akin ay si Val na biglang nagtaas ng kamay.

"Ate Yara!" tawag pa niya kaya ang mga estudyante ay napatingin na sa akin. I decided to ignore them and just walk straight to my cousin's table.

Naupo ako sa tabi ni Cullen na kapatid ni Val. Silang dalawa lang naman ang pinsan na nakakasama ako dito sa school. Valkyrex and Cullen are Tito Kobi's children and Tito Kobi is my father's brother. I have another cousin which is Kuya Karl but, he's now in College so, it's just Val and Cullen I am with. They're Grade 11 though, younger than me.

"Ano, Ate? Kumusta ang klase?" tanong ni Cullen sa akin. I sighed and glance at him.

"The usual," sagot ko bago tumayo at nagpaalam na bibili ng makakain ko. Val even insist to accompany me but, a girl approached him so, he got busy. Cullen got a call from Tita Lein so, I went alone to the counter to buy my food.

"Ate, isang bicol express po saka softdrinks," sabi ko sa tindera. Nagbayad ako sa kaniya at nang makuha ang binili ko at ang sukli, bumalik ako sa mesa namin pero, hindi pa man ako nakakahakbang, natigilan na ako agad.

My eyes widened in shock when the bottle of softdrinks fell down and it broke. The drink is now spilled on the ground. Ang uniform ko, natapunan ng sauce ng ulam na binili ko.

"Hala, gago! Pasensya na, Yara!" I heard the familiar voice and I only sighed calmly. Tumalikod ako para ilapag muna sa isang bakanteng mesa ang pagkain ko saka ko kinuha ang panyo mula sa bulsa ng palda ko.

A hand stole my handkerchief and I found my hand being wiped by the hand that belongs to none other than the annoying classmate of mine. Halata sa mukha niya ang pagkabalisa pero, maingat siya sa pagpupunas.

"Shit, sorry! Hindi kita nakita," aniya at sumulyap sa akin pero, nanatili ang kalmadong ekspresyon ko. Nilingon niya ang mga kaibigan na pare-parehong pinapanood kami.

"Tangina niyo, sabi ko sa inyo 'wag kayong magmadali, eh," aniya sa mga kaibigan niya. Napakamot ng ulo si Sixto na halatang may pakana ng pagtulak.

"Sorry, Janus. Gutom na kasi talaga kami," aniya at sumulyap sa akin. "Sorry talaga, Yara," paumanhin niya sa akin. Bumuntonghininga ako bago nagsalita.

"Ayos lang. Mag-iingat kayo sa susunod. 'Wag kayong palaging careless kung kumilos," sabi ko ay kinuha na ang panyo mula kay Samonte. "Ako na, maraming salamat," sabi ko bago kinuha ang pagkain ko.

"Ate Yara, anong nangyari?" Napalingon ako at nakitang lumapit na sa amin si Val at nasa likod niya ang kapatid.

"Wala, sandali lang at bibili ulit ako ng inumin. Val, pakidala na nga ito sa table," sabi ko at ibinigay sa pinsan ko ang pagkain. Nagtataka niya 'yong kinuha at nang tanguan ko ay saka siya tumalikod at naglakad. Naiwan si Cullen na nakatingin pa rin sa akin.

"Ayos ka lang? Ginugulo ka ba nila, Ate?" tanong niya at tinuro pa sina Samonte na kausap ang tindera. Napalingon sa akin si Samonte kaya umiwas ako ng tingin at ibinaba ang kamay ni Cullen na nakaturo.

"Hindi, aksidente lang 'yon. 'Wag kang mag-alala. Bumalik ka na roon at bibili lang ako ng inumin," sabi ko pero, hindi siya sumunod.

"Ako na ang bibili, Ate. Magbihis ka muna kaso, hindi ko alam kung saan kuku-"

Been Through (SCS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon