Chapter Six

11 4 0
                                    

6.

Vyrl's Point of View

"Anong oras na ba?" Sabay inat ko ng katawan medyo matagal ako matapos, inabot na akong umaga. Dito sa desk narin ako nakatulog, agad akong bumangon at binuksan ang bintana para pumasok kaunti ang liwanag sa kwarto.

Lumabas akong kwarto papuntang kusina para magmumog pero palabas palang ako ng kwarto ng saktong nagvavacuum si ate Shane. "O Vyrl andito kana?" Gulat nyang sagot sabay off sa vacuum cleaner. "Kala ko ba text ni Aeron ngayong umaga kapa uuwi!" Tanong nya pa.

"Ah umuwi ako kagabi kasi. .. kasi may mga activity akong dapat taposin, bukas din naman ang gate after ko itry buksan kaya di ko na kayo ginising pa!" Nauutal kong sabi

"Ah! Okay!" Itinuloy nya ang pag vavacuum, dumeritso naman ako sa kusina at nagmumog. Bumalik naman ako kaagad sa kwarto ko at tiningnan ang phone ko, "Anong date ba ngayon?" Sabay tingin, "Sabado! Birthday ni Garry!" Sabay open ko sa messages. "Dadaan dito sina Liam by 9 tapos 8:30 na!" Saka ako nagmadaling maligo at inayos ang mga dapat kung dalhil, hanggang 5pm kami, kaya may oras pa ako pagkagabi para hanapin ang flashdrive kung saan man yun itinago ng Dave.

Pagkatapos mag ayos ng gamit dala ang bag pumunta muna akong sala at naupo sa sofa habang nanunood ng TV, "Teka ate Mia!" Nang makita ang bitin bitin nyang pusa, para ito yung pusa ni Irene, agad kong nilapitan at kinuha ang pusa kay ate Mia at pintabi sa kin sa sofa. "Pero Vyrl! Sobrang dumi ng pusang yan!" Sabi nya pa

"Pabili nalang po kayo maya kay Kuya Gerry ng Sand litter tapos supply narin po ng cat food pati vitamins po!" Bilin ko sa kanya habang hinahawakan ang balahibo ng pusa.

"Sige! Pero bakit ka nga pala bihis at may dalang bag?" Habang nakatingin a bag na dala ko

"Birthday po ni Garry beach daw"

"Alam ba to ng mom at dad mo?" Tanong nya pa

"Di pa nga po eh, ngayon ko lang din naalala, tatawagan ko nalang mamaya!" Sabi ko pa

"Baka sila Aeron na yun!" After nang doorbell, agad akong tumayo at binitbit ang bag ko. "Sige po alis na po ako, pakisabi nalang kay aling Patrice!" Sambit ko pa saka nagmadaling lumabas.

"Let's G!" Si Liam pagkabukas ko ng gate samantalang si Aeron naman nasa loob ng kotse habang pangiti ngiting nakatingin samin, agad kaming sumakay ni Liam sa kotse, "Kumusta Mysterious trip mo kahapon Vyrl?" Agad na tanong ni Aeron.

"Mahabang lwento, pero naipit ako sa isang krimen at ipinasasauli sa'kin ang bagay na di ko naman alam! At nagbanta pang papatayin nila si Irene!" Sabi ko habang isinasara ang pinto.

"Irene? Diba yan yung babaeng sinasabi mong maganda?" Tanong pa ni Liam

"Iba ang character ko sa mundong yun! At ewan ko ba kung anong connection nya sa mga taong gusto syang patayin, di ko rin alam nasan ang totoong tao sa likod ng character na pinagpapangapan kong ako!"

Natahimik naman ang dalawa habang nakakunot noo na nakatingin sa'kin. "Yan ganyang ganyan din ang naging reaksyon ko nang malaman na mali pala ang mga pinag gagawa ko!" Sambit ko pa habang kinukuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Seryoso may mga takotan na ng buhay?" Tanong pa ni Aeron

"So ano Vyrl gusto mo pang bumalik do'n?" Si Liam sa tabi ko.

11.11 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon