Egleia
“Bakit ayaw ka pa rin pansinin ni Leonox? Galit ba siya saʼyo?” Huminto ako sa gitna ng corridor at gumaya rin si Godfrey. “Kasi naman, mas maaga siyang umalis kaysa sa atin, which is unusual for me, palagi tayo pumupunta rito gamit ang kotse niya.”
Napabuntong-hinga ako at saka yumuko. “Ewan ko nga rin, Godfrey. Kung alam mo lang, ginamit ko na lakas ng loob ko para harapin ang kinakatakutan ko kaso wala pa rin.”
Hinawakan niya ako sa balikat at saka tinignan ako sa mata. “Sobrang proud na ako sa ginawa mo, Egleia. Not everyone can do that, facing your fear with all your might, that is something... You know, very brave. Besides, that is an achievement. Small progress is still a progress, we will get there soon, okay? You did well.”
Ngumiti ako sa kaniya at saka niyakap siya nang mahigpit. “Salamat, Godfrey! Pinagaan mo ang loob ko!”
Ginulo niya ang buhok ko. “Walang anuman, Egleia. Basta siguraduhin mong marami kang tambak na brownies sa refrigerator ah!”
Huli na para hampasin ko siya, nakatakbo na siya papunta sa silid-aralan. Kainis! Iyon lang pala ang habol, humanda ka sa akin mamaya.
Mabuti na lang hindi pa kami huli sa klase. Nakasabay kong pumasok si Sir Rogelio.
Yumuko ako bilang bigay-galang. “Good morning, sir.”
“Good morning din, Egleia. Handa ka na ba?” Nagtataka ko siyang tinignan. Anong ibig niyang sabihin? “I mean, handa ka na ba sa klase natin?”
Tumango na lang ako bilang tugon sa tanong niya. Umupo na ako at mayamaya ay nagsimula na ang klase. Tumingin ako sa bintana at naalala ang pangyayari sa rooftop ng building.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at inilibot ang paningin. Nasa kwarto na ako... Ngunit papaano?
Narinig kong may pumasok kaya tinignan ko kung sino ito. Si Almiro.
“Gising ka na pala, Egleia.” Pumasok siya na may dalang pagkain na nakalagay sa tray. “Batid kong nagtataka ka kung paano ka nakaligtas. Kainin mo muna ito, para mahimasmasan ka.”
Umupo ako at kinuha ang pagkain. Isa itong champorado na nilagyan ng gatas at isang tasang kape.
“Salamat, Almiro.”
“Alam mo, sa ilang dekada kong tagabantay sa kwintas ng malalakas na hayop at panatilihin ang kapayapaan sa tahanan nila, hindi man lang ako nahirapan sa aking trabaho.” May ipinakita siyang singsing. “At itong singsing, ang regalo sa akin ng mahal na Agila— ang nagpakaloob sa iyon ng mga kakayahan. Ito ang rason kung bakit kita nailigtas, kaya kong magtungo sa destinasyong nais ko ngunit may limita ang layo nito.”
“Ang ibig mong sabihin, ikaw ang nagligtas sa akin noong nahulog ako sa building?” Ngumiti ito at tumango. “Ngunit paano? Naroon ka ba sa oras na iyon?”
“Ano ka ba, Egleia. Palagi ko kayo dinadalhan ng meryenda tuwing nagsasanay kayo. Saktong paghulog mo ay ang pagdating ko, kung nahuli ako ay imposibleng maiiligtas pa kita.”
Inilagay ko ang champorado at niyakap si Almiro. “Maraming salamat, Almiro. Napakabuti mong tagapangalaga, hinding-hindi ako magsasawang protektahan ka. Hindi ko hahayaang masaktan ka sa araw na ito. Pangako iyan.”
Bahagya siyang natawa at lumayo sa akin. Ginulo niya ang buhok ko. “Walang anuman iyon, mahal na Reyna. Tungkulin ko ang bantayan at pangalagaan kayo. Kung gusto mo talaga akong protektahan, husayan mo ang pagsasanay mo nang sa gayon, lumakas ka pa lalo.”
BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasySa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...