"you can go home now"
Pareho kaming nakatayo ni miss Stella nang lumabas si Dlane mula sa opisina niya. Gabi na at mukang uuwi na siya.
"mag-ingat po kayo sir" bahagya pang ngumiti si miss Stella kaya ngumiti rin ako.
Tumango lang si Dlane at nakapamulsang naglakad palayo pero tumigil din naman agad at nilingon ako.
"you'll commute?" ngumiti ako sa kanya at tumango. Hindi naman na siya nagsalita at diritso nang umalis.
Nagaayos na ng gamit si miss Stella kaya inayos ko na rin yung gamit ko. Mas nauna akong matapos sa kanya magayos kaya nauna ako ng alis.
"alis napo ako, ingat po kayo" ngumiti siya sakin at tumango.
"ingat ka rin" kumaway pako sa kanya bago naglakad paalis.
Magaalas otso na ata ng gabi pero marami pa namang mga tao sa kalsada. Kailangan ko pang maghintay ng taxi kaya tinext ko na muna si Imye na pauwi nako.
"you'll go home now?" napaangat agad ang tingin ko nang may humintong sasakyan sa harap ko.
"oo, naghihintay pako ng taxi" tumango si Dlane at tumingin sa relo niya.
"take care" ngumiti ako sa kanya at kumaway nang umandar na paalis ang sasakyan niya.
Mga sampung minuto ata akong naghintay ng taxi bago ako makasakay. Maaga pa naman kaya walang problema.
Nakasandal lang ulo ko sa bintana at nakatingin sa labas. Mukang mabait naman yung driver at nagpatugtog pa nga ng radyo para daw hindi ako mabagot.
"dito nalang po manong" sumulyap ako sa labas at kumuha ng pamasahe sa bag ko. "salamat po manong"
"salamat din po maam" ngumiti ako sa driver bago bumaba. Nakasabay ko pa si Imye na kakalabas lang apartment niya at papasok na sa apartment ko.
"kumusta trabaho?" ngumiti ako sa kanya at binuksan muna ang pinto bago sumagot.
"ayos lang naman, magbibihis lang ako" maliit siyang ngumiti at tumango.
We aren't in good terms nor bad terms. Simula noong nangyari yun sa bar ay hindi na kami medyo naguusap.
"ayos lang naman tayo diba?" hindi ko napansin na sumunod pala siya sakin sa loob ng kwarto ko.
"oo naman" ngumiti ako sa kanya.
"sorry, umalis nako sa bar, waitress nako s restaurant ni Marcus ngayon" lumaki agad ang ngiti ko at nilingon siya.
"mabuti naman" umangkala agad ako sa braso niya at ngumiti. "gutom nako"
Sabay kaming lumabas ng kwarto ko at dumiritso sa kusina. Chicken curry yung niluto niya kaya naparami yung kain ko.
Pagkatapos maghapunan ay umalis rin naman agad si Imye. Matutulod na raw kasi siya dahil maaga yung trabaho niya.
Hindi pako inaantok at may ginagawa pako kaya nagstay muna ako sa sala. Nakabukas yung laptop ko dahil may tinatype akong documents na pinapagawa ni miss Stella.
"ano nga full name niya?" napakamot pako sa kilay at hinanap sa loob ng bag ko yung sticky note na may pangalan ni Dlane kaso hindi ko mahanap. "ang tanga kasi!"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha yung cellphone para itext si miss Stella kaso wala akong number niya kaya si Dlane nalang.
To: CEO
anong full name mo nga? Nawala ko yung sticky note ehIt took him awhile to reply kaya nagtimpla muna ako ng gatas sa kusina, pagbalik ko may reply na siya.
From: CEO
try to search it on internet, you might find my full name thereNapakunot agad noo ko dahil sa reply niya. Bat kasi hindi nalang sabihin, para namang ang mahal ng full name niya.
To: CEO
sabihin mo nalang kasiNagreply naman kaagad siya kalaunan.
From: CEO
Fine. Adlane Ream ParagaSineen ko lang yun at hindi na siya nireplyan. Infairness ang ganda ng pangalan niya.
"Adlane Ream Paraga, pati pangalan tunog mayaman" bahagya pakong natawa matapos ibulong yun sa hangin.
Halos dalawang oras ata akong nagtype ng documents bago natapos. Magaalas onse na nung makatulog ako.
"good morning sir" sabay kaming tumayo ni miss Stella nung dumaan na si Dlane nakakadating lang.
Tumango lang ito samin at diritsong pumasok sa loob ng opisina niya. Halata sa mukha na wala siya sa mood.
"ipagtimpla mo ng kape, samahan mo narin ng sweets para kumalma siya" tumango ako kay miss Stella at naglakad papunta sa pantry.
Nagtimpla ako ng black coffee at kumuha ng apat na piraso ng macarons at nilagay yun sa isang maliit na plato. Sweets pala pampakalma niya, parang bata lang.
"nagtimpla po ako ng kape at nagdala narin ng sweets" hindi man lang siya nag-angat ng tingin sakin kahit na nung nilapag ko na sa mesa niya yung mug at platito. "wala ka sa mood?"
"just don't mind me" nasa papel parin na hawak niya yung atensyon niya.
"ang sungit mo naman pag wala ka sa mood" humalukipkip pako at sumandal sa mesa niya.
"you can go now miss Rina" natawa naman agad ako dahil mukang naiinis ma siya.
"bakit wala ka sa mood?" tumatawa parin ako habang nakatingin sa kanya na nagbabasa ng mga papeles.
Nag-angat naman agad siya ng tingin at seryoso akong tinignan dahilan para mapaayos ako ng tayo at tumigil sa kakatawa. "it's because someone didn't reply after getting my name, not even a thank you"

YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...