CHAPTER 4
* Riko's P. O. V *
Habang tinutugtog ko yung kanta na sinabi ko kay ma'am. Napansin ko nalang na may isang babae na para bang relaxed na relaxed habang nakatitig saakin. O pinagpapantasyahan lang ako?
Napahinto ako sa pagkanta ko at pagtugtog ko ng nakita ko pa rin siyang nakangiti saakin. Siya nga pala yung babaeng niligtas ko kahapon. Ang pagkakaalam ko ay ang pangalan niya ay Rae?
Napatingin naman ako sakanya at nakatitig pa rin siya saakin. I feel weird. Ano bang meron sa babaeng 'to?
Sa pangyayaring yun, I suddenly changed my mood while staring at her. Dun nalang siya natauhan sa pagtingin niya saakin. Siguro nung napansin niya na naging seryoso ako. Narinig ko namang nagsisibulungan na yung mga kaklase namin.
Napansin ko namang napayuko siya at bigla-bigla nalang niya kinuha yung gamit niya at tumakbo palabas. Nagulat nalang ako sa sarili ko ng bigla nalang rin ako tumayo at sinabi kong masama ang pakiramdam ko ngayon kaya hindi muna ako papasok ngayon sa mga susunod kong subjects.
Sa totoo, nung pag labas ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatak sa isip ko kung bakit gusto kong hanapin kung saan pumunta yung babaeng yun. Siguro may ginawa akong masama kaya lumabas yun?
Napasandal naman ako sa isang pader dun at napahawak ako sa buhok habang hinahawi ko ito. Masyado lang siguro ako na-stress kahapon nung galing ako ng Japan. Actually nung pag uwi ko galing ng eskwelahan pumunta pa ako ng Japan gamit ang private airplane ng pamilya namin. Hence, di ko naman alam na sandali lang naman kami dun at napagod ako ng husto sa ilang oras na biyahe pabalik dito. Nag-ayos pa ako ng mga dokumento ko para sa meeting namin mamayang hapon.
Ilang segundos rin nakalipas naisipan ko na ring lumabas. Kapag tumambay pa ako nang matagal dito baka mayroon pang makakita saaking mga babae. Mahirap na, pagkaguluhan pa ako dito at humingi pa ng mga autograph.
Lumabas na ako ng hallway ng eskwelahan namin papunta sa parking lot ng school. Sumakay na ako ng sasakyan ko palabas ng eskwelahan namin para maka-uwi na ako sa bahay namin.
* Kaito's P. O. V *
Haha! Balak ko sanang ayain si Rae sa ice cream shoppe pero to think of it. Probably, making a plan is better. Total, sabi naman niyang may klase pa kami at kapag inaya ko siya baka i-decline niya pa ako XD.
Habang nakayuko siya naisipan ko namang kuning ang gamit niya at tumakbo ng palayo sa kanya para habulin niya ako. I know it's quite naive but mukhang mae-enjoy ko 'to haha!
Nung nakilala ko siya sa hallway kanina. I found her interesting. Ahhh! I mean-!
Sigh, iba lang talaga siya sa mga babae na nakilala ko. Swerte pa nga ako kanina habang naglalakad ako ng hallway kasi wala namang ni isang grupo ng babae kundi siya lang. Hindi siya yung para bang nakakita ng celebrity or what na bigla-bigla nalang magiging fangirl. She doesn't seem to treat me na para bang may border saaming dalawa. Walang mataas at mababa. Pantay-pantay lang. Ni hindi nga man lang niya ako tinatawag na 'Prince Kaito' eh. But somehow, mas komportable ako kapag ganun.
Ganito kaya mabuhay ang mga ordinaryong tao? Haaayy kung aaminin ko lang. Ayoko talagang maging prinsipe. Mas pipiliin ko pang maging mahirap kesa naman habang buhay ka nakakulong sa paningin ng butler mo or nang bodyguards mo kamo. Para bang, ala kang freedom?
To tell the truth. First time ko lang naranasan 'to. Kung tutuusin nga parang ang saya talaga eh. I can't explain it pero tatlo lang ang masasabi ko ngayon sa nararamdaman ko.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
School Princess Girl:One of a Kind
Novela JuvenilThere's a girl named Rae, siya ay isang normal girl na nagaaral sa Beramount Academy. Until her parents talked to her. Before she knew it she was shocked for a moment. Well, before she knows that thing what her parents told her, she has a crush name...