Ikasiyam na Kabanata: Ala-ala at Pagtatapat

103 10 0
                                    

Cyrus's POV:

Nagising na ko ng maramdaman kong hindi na gumagalaw ang karwaheng sinakyan namin ni Phil. At ito naman si Phil, nakahiga parin sa aking dibdib. Napakahimbing ng tulog nito, payapa at tahimik. Gigisingin ko na sana siya ng bigla niyang imulat ang kaniyang mga mata. Napansin niya atang nakahiga siya sa akin kaya dali-dali itong umalis sa aking dibdib.

"P-pasensiya na po Cyrus, h-hindi ko po si-"

"Ayos lang, nagustuhan korin naman ang paghiga mo sa aking dibdib" sabi ko rito at kasabay non ang pag pula ng kaniyang mga pisngi. "Alam mo baka isipin ng mga tao eh pinagsasampal dahil diyan sa namumula mong mga pisngi" sabay tawa ko.

"Haring Cyrus nakarating na po tayo sa Emperyong Chivadian" sabi ng isang kawal

"Susunod narin ako" narinig ko naman ang pag-alis nito, kaya't muli kong nilapitan si Phil at hinawakan muli ang kaniyang dalawang pisngi. "Walang makakaalam sa ginawa natin kung hindi ka magsasabi, naiintindihan mo ba iyon Phil?" sabi ko rito

"Masusunod p-" hindi niya na naipagpatuloy ang gusto niyang sabihin ng bigla ko siyang halikan sa labi.

"Masarap nga iyang mga labi mo Phil, parang isang matamis na prutas na tumubo para lang sakin" sabay bigay muli ng isang damping halik.

Nauna na siya lumabas dahil narin siguro sa nangyari sa aming dalawa na ikinatawa ko lang uli. Ngayon lang uli ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Nag-ayos muna ako ng aking sarili bago ako lumabas, naabutan ko namang nag-uusap sina Phil at si Putri, pero iba ang awra ni Putri ngayon... Madilim at mukhang hindi masaya kaya't nilapitan ko na silang dalawa, pero mukhang di naman nila ako napapansin na papalapit sa kanila.

"Kailangan mong mag-ingat sa lugar na ito, baka matipuhan ka ng ibang kalalakihan na nandidiyan sa loob kaya dapat ay du-" 

"Dumikit ka lang sakin" sabay hatak sa bewang ni Phil na kinagulat naman nilang dalawa.

Ngayon ko lang natandaan na puro mga hari at prinsipe ang nandirito, bibihira lang kasi ang kababaihan na naparirito, kaya minsan kapag may mga lalaki na may hugis at itsura na parang babae eh binabastos ng mga kalalakihan rito. Si Putri lang ang naiiba, takot sa kanya ang mga lalaki na nandirito, muntik niya narin kasi mapatay ang isang prinsipe na hinipuan siya sa bandang likuran.

Nakita ko namang ngumisi si Putri habang nakatingin sa kamay kong nasa bewang ni Phil "Hindi mo naman kailangang hawakan si Phil sa bewang niya, kuya

"Huwag ka ngang mangelam sa mga bagay na gusto kong gawin, atsaka sa akin si Phil. Ako lang dapat binibigyan pansin at shempre-" sabay lapit ng bunganga ko "serbisyong abot langit" bulong ko sa kanya

"Kung ano man ang binulong mo sa baby Phil ko kuya, tigilan mo na namumula nanaman ang mukha niya" natatawang sabi ni Putri

"Mga kamahalan pupuwede nadaw po kayo pumasok, kakarating lang din po kasi nila rito" biglang sulpot ng isang kawal na kinatango ko lamang

"Kakarating? Eh tayo pa nga lang ang nandirito" rinig naming bulong ni Phil na kinatawa lang namin

"May sampung pintuan ang gusaling ito, lahat ng iyon ay daanan para sa sampung emperyong kasapi ng samahang ito. Para maiwasan narin ang maaaring maging aberya" sabi ko sa kanya, na kinatangu niya rin. 

Pumasok na kaming tatlo papasok sa pagpupulong, nandirito lahat ng mga emperyong kasapi ng Samahang Norte, halos kasi lahat ng emperyong nasa norte ang kabilang ng samahang ito. Hindi naman sa pagmamayabang pero, ang samahan naming ito ang pinakamalakas na samahan sa buong daigdig. Walang ni isang samahang emperyo ang gumustong makabangga ang samahan namin, pwera nalang ang mga taga kanluran na makakapal ang budhi.

Ang Alipin (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon