"You'll be coming with us"
Nabaling kay miss Stella ang tingin ko nang magsalita siya. Nakaupo ako sa table ko at may tinatype sa laptop ko na utos din miss Stella.
"meeting po?" lingin niya ako at nginitian sabay tumango.
Sumulyap naman agad ako sa puwesto ni Dlane at nakitang may ginagawa siya. Hindi niya kasi binaba yung blinds kaya kita namin yung loob ng opisina niya.
Wala parin siya mood at nakakunot parin yung noo. Para namang ang big deal nun, reply lang naman. Hayok na hayok sa isang reply.
"get ready Rina, we'll be going in a minute" ngumiti at tumango ako kay miss Stella bago siya pumasok sa loob ng opisina ni Dlane.
Nag-usap sila saglit bago tumayo si Dlane. Tinulungan naman agad siya ni miss Stella na isuot ang coat niya. Sabay pa silang lumabas habang nasa likod niya ang sekretarya.
Sumunod naman agad ako sa kanila at nasa likod lang ni miss Stella. Halos lahat ng empleyadong nadadaan namin ay yumuyuko para magbigay galang kay Dlane. After all, his the CEO.
"the CEO is here" pagpasok palang namin sa meeting hall ay tumayo na ang lahat.
Nantili lang kami ni miss Stella sa gilid at nakikinig sa meeting. May kunti akong naintidihan pero mostly wala. Malay ko ba sa pinagsasabi nila.
"give this to the CEO" sinunod ko agad ang utos ni miss Stella at binigay kay Dlane ang iPad kung na may nakaopen na datas.
Nagulat pa ang lalaki na ako yung nagabit kaya hindi niya agad tinanggap. May galit parin pala siya sakin.
"give me the copy of the overall plans by today, make sure it'll turn out well" sinulyapan ako ni Dlane kaya agad kong kinuha yung Ipad na nasa mesa niya. "that would be all, meeting adjourned"
Tumayo ulit ang lahat nang tumayo na si Dlane. Naglakad naman agad ito paalis habang nakasunod lang kami ni miss Stella sa kanya. Yakap ko pa ang Ipad.
Nung bumalik na kami ay si miss Stella nalang yung sumunod kay Dlane hanggang sa loob ng opisina nito, dumiritso na kasi ako sa table ko.
"puwede kanang maglunch" napangiti agad ako dahil sa sinabi ni miss Stella pagkalabas niya ng opisina ni Dlane.
"kayo din po" ngumiti siya sakin at naunang umalis.
Kinuha ko naman agad yung wallet at cellphone ko dahil sa cafeteria nalang ako kakain. Mas mura doon at makakatipid ako.
Paalis na sana ako nang lumabas bigka si Dlane habang nakatingin sakin. Nakapamulsa pa siya at sinundan ako ng tingin.
"ano?! Para namang tanga" hindi ko na siya pinansin at naglakad na paaalis.
"what did you just said to your boss?" umismid lang ako at pumasok sa elevator nung bumakas na ito, sumunid naman siya. "have a lunch with me"
"at bakit?" patagilid ko pang siyang tinignan habang nasa pinakasulok ako.
"kase sinabi ko, and besides, it's your payment for not replying" natawa naman agad ako ng peke.
.
"ang OA ha, parang isang reply lang" sakto namang bumukas yung elevator kaya hindi na siya nakasagot.Dumiritso agad ako sa cafeteria pero nakasunod pala siya. Lahat tuloy ng kumakain ay nagsitayuan.
"wag nalang pala dito" naglakad agad ako palabas ng cafeteria habang nakasunod siya.
Huminto ako sa paglalakad at inis siyang nilingon. Nakangisi pa siya na parang nangaasar. "saan tayo kakain?!"
Hindi siya sumagot at hinila lang ako papunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya pako ng pinto at pinapasok dun. "seatbelt"
Sinuot ko agad yung seatbelt ko. Pinaandar naman agad niya yung sasakyan. Nadaanan pa namin si miss Stella na parang may hinihintay.
Agad naman kaming dumating sa kainan na gusto niya. Halos buong byahe nakatingin lang ako sa labas.
"ikaw magbayad, wala akong pera" hindi siya sumagot at naunang pumasok, sumunod naman ako.
It's like seafood restaurant. Hindi masyadong madami yung tao pero hindi rin naman kunti, sakto lang.
Shrimps and crabs yung inorder niya para saming dalawa. Nagsuot pa kami ng gloves dahil magkakamay.
"ayoko na, busog nako" hinubad ko agad yung gloves ko at kumuha ng tissue.
"as you should, naubos mo na lahat eh" hindi ko siya pinansin at nagpunas lang ng bibig.
Halos ako kasi yung umubos. Ang landi niya kasing kumain, dinaig pang babae, ang bagal pa.
"let's go?" napalingon ako sa likod ko nang lumabas na si Dlane. Nauna kasi ako dahil nagbayad pa siya.
Tumango ako sa kanya at nauna ng lakad. Huminto naman agad ako dahil ang bagal niya. "dalian mo lakad mo!"
"let's have a walk? There's a park nearby" tinignan ko muna yung relo ko pero wala pa namang ala una. Saglit lang naman.
Iniwan niya yung sasakyan niya doon at naglakad kami papunta sa malapit na park na sinasabi niya. Hindi mainit kaya ang ganda ng panahon.
Ewan ko kung nagbabagal ba siya pero feeling ko oo, pilit niya kasi akong sinasabayan ng lakad.
"it's my first time having a walk with someone" napasulyap ako sa kanya at napangiti.
"ako rin, kaya memorable to" siya naman yung sumulyap sakin at ngumiti.
"it is...because I'm with you" and again, our eyes meet under a flowering tree and for me-
It is indeed, memorable...

YOU ARE READING
Mi Gustas
Romance'I was once an ugly larva that becomes a beautiful butterfly because of him...