04

4 0 0
                                    

"Grabe. Ang ganda mo pa rin, kamusta? Long time!" nakipag-kamay sa akin si Emman. He is from my batch. I wore a black bodycon dress paired with black stiletto for the reunion. Light make-up ang nilagay ko sa mukha at nude color naman sa mga labi. My chestnut brown colored hair was tied in a messy bun.

Our venue is in Veou Hotel and Resorts. Nag dala rin kami ni Yoli ng swimsuit na pamalit. Magkakasama ang unang batch hanggang sa batch namin. Dahil hindi naman masyadong marami ang estudyante sa school, sama-sama ang bawat kurso. Noong malaman kong sa resort ang venue hindi na ako nagdalawang -isip pa. Gusto ko rin kasing mag-unwind. The past days were stressful for me. Tumawag si Geovani kanina in-update lang ako nito sa trabaho at nangumusta.

"Thanks," I said. He saw his old friends so he said goodbye to chat with them.

"Look who's here." Cristal's voice echoed. She looks devil in white. Fresh pa sa utak ko ang lantaran niyang pag-ka-gusto kay Kofe noon kahit alam niyang boyfriend ko na ito. I fetch one glass of wine when the usher walked beside me. "I didn't know you were invited?"

"Hindi ako informed na kailangan ko pa palang magpaalam sayo?" Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. I'm so irritated.

"Of course, Cristal she's invited. I invited her." Sumulpot si Yolanda sa tabi ko at tinitigan ng masama ang babae.

"Relax Yolanda. You never change." Bulong-bulong nito bago umalis. Masama ang tingin ni Yolanda sa likod nito.

"Ang plastic talaga ng babaeng 'yon. Lumapit siguro dahil buhay iyong boyfriend mo." Kinabahan ako sa binanggit ni Yoli. In their eyes he's still my boyfriend. Hinanap ng mga mata ko si Kofe. Kasama niya ang dating mga kaibigan. Naka-semi formal ito. Puting polo shirt na nakabukas ang first two buttons at nakatupi hanggang siko.

Nakakaakit ang tindig nito. Girl's eyes were on him. Tuwang-tuwa ang mga ito sa kanyang pagbabalik. Nag kumpulan ang mga babae banda sa kanila. Nakaramdam ako ng selos.
"Mas lalo siyang gumwapo 'no? Buti na lang talaga buhay siya!" Kinikilig na sabi ng babaeng dumaan.

"Oo, balita ko mayaman daw ang tunay niyang ama." I heard it even it's just a whisper.

Siya ang topic ng lahat. Sometimes I caught him stealing glances over me and it's making me calmed down. Kahit papano naiisip niya pa rin ako kahit na busy siya.

"Ang gwapo ni Kofe. Tingnan mo, angat talaga siya sa lahat ng mga lalaki rito. Swerte mo Ven! Dapat pala, 'The Comeback of Hot Kofe Comaderios este Reghington' ang tawag dito hindi reunion." Natawa ako sa biro ni Yoli.

"Kunwari ka pa si Carlos naman talaga tinitingnan mo." Kantiyaw ko.

"Ew!"

Yoli was great in her peach cocktail dress. Her curly hair complemented her heart-shaped face. Matagal na itong crush ni Carlos pero mukhang natotorpe ang binata. Half of our batch was already successful in life. May mga sarili ng negosyo ang iba. Ang iba naman ay may mga anak at asawa na rin. Konti nalang ang mga single na katulad namin.

"Saya nila no?" Tukoy ni Yoli sa sweet na sweet na sina Piolo at Kyle. "Sure ako maghihiwalay rin yan," irap nito.

Piolo and Kyle were best friends since high school. Aso't pusa ang dalawa noon kaya sinong mag-aakala na sila rin ang magkakatuluyan sa huli.

"Alam mo ikaw, napaka-bitter mo. Palibhasa kasi hindi ka pa nililigawan noong admirer mo. Ikaw na lang kaya manligaw?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Ang swerte niya naman kung ganoon. Sa ganda kong 'to liligawan ang isang Carlos Funtalva!" Nagtinginan ang lahat sa lakas ng boses ni Yoli. Pinamulahan ako ng pisngi nang magtama ang mga mata namin ni Kofe.
"Wag ka ngang maingay." Saway ko rito.

The Billionaire's Dangerous GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon