Sorry for being in-active for more than a year. Subukan kong makapag-update once a week. Here's an update for you.
***
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay pumunta pa kami sa bahay-ampunan para bigyan ng pamasko ang mga bata. Ngayon magbabagong taon na.
"Mommy, sa bahay po ba tayo nina lolo't lola pupunta ngayon?" tanong ni Mirai habang nag-aagahan kami.
"Oo. Susunduin tayo ni Tito Erick ninyo mamaya."
Tumango siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Nang matapos kaming mag-agahan at nang mailigpit ang pinagkainan namin ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin namin para mamaya.
"Mirai, mauna ka nang maligo."
Agad na tumalima si Mirai. Habang naliligo siya ay tinutulungan naman ako ni Minjoon sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin namin.
Nang matapos si Mirai ay agad na sumunod si Minjoon.
Lumabas ako sa kwarto ng kambal matapos ko tulungan si Mirai magbihis ng kanyang damit. Dinala ko ang maliit na sling bag ni Mirai para ilagay ang tumbler niya roon baka kasi makalimutan ko nanaman ilagay sa bag niya at maghanap at ang maliit na bag ni Minjoon kung saan ko inilalagay ang paborito niyang yogurt, tumbler, at biscuits.
Habang inaayos ko ang mga gamit nila ay narinig ko ang boses ni Mirai.
"Mommy, I'm done na po." tumingin ako kay Mirai na kakapasok lang sa kitchen. Hindi niya kasama si Minjoon kaya baka nagbibihis pa. Nang matapos ako sa ginagawa ay sabay kaming lumabas ni Mirai sa kitchen papunta sa living room.
"Okay. Stay here in our living room. Maliligo lang ako." sabi ko saka inilapag ang sling bag at ang bag ni Minjoon.
Tumango naman si Mirai at naupo sa sofa. Naglakad na ako papasok sa kwarto ko nang makasalubong ko si Minjoon na kakalabas lang kwarto nilang magkambal.
"Stay with Mirai." sabi ko at tumango naman siya. Tiningnan ko siyang maglakad papunta sa kakambal niya at tumabi ng upo rito. Nang makaupo ng maayos ay binalingan niya ng tingin si Mirai na ngayon ay nanunuod na ng tv. Tiningnan siguro kung maayos ang damit ng kambal niya. Napangiti ako sa ginawa ni Minjoon.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Susunduin kasi kami ni Erick dito papunta kina mama. Nauna na sina Airyn doon, tutulong pa raw sila kina mama sa paghahanda para mamaya.
Inilabas ko na ang mga gamit namin at tamang tama naman ang dating ni Erick.
"Tito!" malakas na sigaw ni Mirai nang makita si Erick. Tumakbo siya papunta rito at niyakap ng mahigpit. Binuhat naman siya ni Erick at hinalikan sa pisngi.
"Hello there, my dear Mirai. Miss your handsome tito?"
"Yes po." masiglang sagot ni Mirai ang tumawa naman si Erick. Halatang gusting-gusto ang sagot ni Mirai.
"Ready?" tanong ni Erick at ibinaba si Mirai.
"Tamang tama lang ang dating mo. Kakalabas ko lang ng kwarto."
"Great! Let's go?"
"Yeah!"
"Yehey! Let's go!" sigaw ni Mirai.
"Stop shouting, Mirai. Mapapaos ka." suway sa kanya niya Minjoon na agad naming sumunod.
Sabay kaming natawa ni Erick sa kambal. Kinuha ni Mirai ang sling bag niya at ganoon din si Minjoon sa bag niya. Si Erick naman ang nagbuhat sa mga gamit namin.
BINABASA MO ANG
Run To You 1: Loving an Idol (ON-GOING)
RomansaWould I successfully run away from him or totally fall for him?