Year 2014
General Trias, Cavite
MAKULIMLIM at tahimik nang dumating si Beckett sa bahay nila, bagay na ikinakunot ng noo niya. Wala ang mga magulang niya na inaasahan niyang sasalubong sa kan'ya, lalo na at nagsabi naman siya kanina na uuwi siya galing Italy dahil semestral break nila.
"Ma? Pa?" tawag ni Beckett sa medyo malakas na boses, pero umalingawngaw lang ang boses niya sa buong lugar. "Rosie? Nicholas?" pagtawag naman niya sa mga trabahador, pero wala pa ring sumasagot sa kan'ya.
Mas lalo tuloy siyang nagtaka, pero napangiti siya dahil naisip niya na baka gusto siyang surpresahin ng mga ito.
"If you wanted to surprise me, I'm here. You can go out now," may himig ng sayang sambit ni Beckett habang naglalakad siya papunta sa hagdanan para puntahan ang ina at ama niya sa loob ng kuwarto. "Ma---"
Pero kaagad siyang napatigil nang makita niya ang patak ng mga dugo sa sahig. Nang tiningnan niya ang hagdan ay napamura siya dahil may bakas din ng mga dugo roon, na para bang may hinilang katawan paakyat sa itaas.
Nanlaming ang buo niyang katawan, at bumilis ang tibok ng puso niya. Mabilis niyang tinakbo ang daan papunta sa ikalawang palapag, at walang takot na binuksan ang pinto sa kuwarto ng mga magulang niya.
Nawalan na rin siya ng pakialam kung mayroon mang masamang tao ang naroon sa kuwarto na iyon, at kung papatayin ba siya nito kapag nakita siya nito.
His intuition tells him that something bad happened... and he hated how mostly accurate his intuitions are.
"Ma!" muling pagtawag ni Beckett, at halos malaglag ang panga niya sa nakita.
Her parents were laying down on the floor. Malayo man ang pagitan niya sa mga magulang ay kitang-kita niya ang mga bakas ng saksak sa katawan nila, at ang mga dugo nito na umaagos pa sa sahig, patungo sa direksyon niya.
He didn't need to check whether they are dead or not—They are.
They aren't even breathing when he came. Sa dami ng tinamong saksak ng mga magulang niya ay nakasisiguro siyang malaki ang galit ng gumawa nito sa kanila.
Beckett, as slowly as he could, walked forward until he reached his parents. Pinagpapawisan siya ng malamig habang nanginginig ang buong katawan niya.
But he didn't let those emotions stop him. He still wanted to see his parents and hug them for the last time... despite them being lifeless.
Pero nang tuluyan niyang makita nang malapitan ang mga magulang niya ay unti-unting tumulo ang luha niya. Beckett isn't accustomed to violence. It is even his first time to see blood and a horrible murder, but he never uttered a single word.
He never shouted not stumbled again.
Lumuhod si Beckett sa tabi ng kan'yang ina, ni hindi alintana ang dugong kumakapit sa balat niya. Ipinadausdos niya ang kamay sa dilat na mga mata ng ina, kasabay ng pagtulo ng luha sa mga kamay niya.
"Whoever did this to you two, I'll make sure to find them," Beckett declared.
Pero sa gitna ng katahimikan ay may narinig siyang mumunting ingay sa labas ng bahay nila. Parang may sumisipol, kaya naman mabilis siyang tumayo at sumilip sa bintana.
There, he found a shirtless man walking in their garden like nothing happened. He had a knife on his right hand, at pinaglalaruan niya pa iyon sa kan'yang kanang kamay habang naglalakad.
Beckett could only clench his fists in response as his voice almost left his throat. Halos mahigit niya ang hininga nang biglang tumigil ang lalaki sa paglalakad, at lumingon ito patungo sa direksiyon niya.
BINABASA MO ANG
Beckett Clainfer (Wild Men Series #24)
RomanceBeckett Clainfer would not be able to live in this world if it's not for his desire to kill his parents' murderer. With that in mind, he endured every pain for the pleasure that's about to come-Reputation, wealth, and a drug den that suffices his ne...