CHAPTER 32

1 0 0
                                    

Third person pov

Ilang buwan na ang nakalipas at natapos na nila ang event na kanilang pinag tutulungan ngunit habang tumatagal ay napapalapit na ang loob ni Vanessa kay Ben dahilan upang mag dalawang isip siyang ituloy ang kanilang kasal ni Kale.

Nakaupo ngayon si Vanessa sa kanilang workplace habang tinitingnan ang isang long brown envelop, inilabas niya mula sa loob nito ang isang papel na nag lalaman ng kasulatan tungkol sa engagement na magaganap, makikita dito na wala pang kahit anong pirma mula sa kanila ni Kale, tinitigan niya lamang ito habang pasimpleng sumusulyap kay Ben na nakatayo sa di kalayuan.

Nang makita niyang papalapit si Ben sa kaniya ay nag madali niyang itinago ang envelop sa loob ng drawer niya at nag kunwaring may ginagawa.

"Nais nilang mag celebrate gusto mo bang sumama?" Tanong ni Ben habang naka tayo sa gilid niya, bahagya siyang lumingon at ngumiti.

"Sige! Saan ba?" Tanong ni Van, diretsyo ang tingin niya kay Ben, kumunot ang noo ni Ben at tumingin ng diretsyo sa mga mata ni Van, ngumiti si Van sa kaniya.

"Ayos kalang ba? May problema ba?" Sunod-sunod na tayong ni Ben, dahan-dahang nawala ang mga ngiti ni Van sa kaniyang mga labi ngunit ibinalig niya rin ito agad at tumingin kay Ben.

"Oo naman!" Nakangiti niyang sambit ngunit umiwas siya agad ng tingin, nais pa sanang mag tanong ni Ben ngunit tumango na lamang siya dahil base sa kinikilos ni Van ay mukhang ayaw na niyang pag usapan pa.

"Sabay nalang tayo pumunta," sabi ni Ben, tumango lamang si Van habang nag busy-busyhan, umupo na si Ben sa tabi niya dahil mag katabi lamang sila ng table.

Hindi parin maalis ni Ben ang tingin niya kay Van ngunit no'ng maramdaman niyang hindi nagiging komportable si Van ay tumayo muna siya at nag lakad palayo.

Tinanaw niya si Van mula sa malayo at nakita niyang napa higa nalamang ito sa kaniyang table and he know something is wrong and he need to do something.

Pumunta siya sa may cafeteria upang kumuha ng favorite chocolate ni Van para pagaanin ang loob niya kahit papa'no, nakangiti siyang bumalik sa taas habang hawak ang chocolate, pag balik niya sa office ni Van ay nakita niyang wala si Van kaya naman kumuha nalamang siya ng sticky note at ipinatong ang chocolate sa lamesa ni Van saka idinikit ang sticky note.

"Ben!" Tawag sakaniya ni Hiro dahilan upang mapalingon siya, sumenyas si Hiro na lumapit siya kaya naman bago siya umalis ay sinigurado niya munang nakaayos ang chocolate sa lamesa ni Van at ng matiyak na niya ay nakangiti niyang kinuha ang mga papeles sa table niya at lumapit kay Hiro.

"Aba! Naka ngiti tayo boss ah!" Pang aasar ni Hiro, agad nawala ang mga ngiti niya at binilisan ang lakad.

"Tara na mahuhuli na tayo sa meeting," saad niya, umiling lamang si Hiro at tumakbo upang mahabol si Ben na dinaig pa si Flash sa sobrang bilis ng lakad.

***

Inalis ni Van ang helmet niya habang naka hinto siya sa isang malaking bahay, panandalian siyang tumingin dito at sabay tiningnan ang hawak niyang envelop, pumikit siya at huminga ng malalim, umalis siya sa motor niya at nag lakad papunta sa doorbell, pinindot niya ang doorbell at mayamaya lamang ay may dumating na upang buksan ang gate.

"Sino po 'yan," saad ng isang babae habang binubuksan ang maliit na gate.

"Ako po ito Manang," saad nama ni Vanessa, sinalubong siya ng ngiti ng matandang babae at agad ding pinapasok.

"Napadalaw ka iha?" Tanong ng matandang babae.

"Nanjan po ba si Daddy?" Tanong ni Van, tumango lamang ang matanda at itinuro sa kaniya ang daan.

WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now