Chapter 55: Klioden Town
Klenton's Point Of View
Ang tahimik ng gubat ngayon. Masarap ang simoy ng hangin at talagang parang hindi mona gugustuhing umalis at maglog-out sa game at gusto monang manirahan dito habambuhay.
But fantasies are fantasies. Kahit anong hilingin mo, kapag imposible hindi talaga mangyayari. Maliban nalang kung himalang magkatotoo talaga. But in our time today, iilan nalang ang naniniwala sa mga fairy tales.
Because technologies are what they believed is real and can be always explained by science alone. So technologies created their own fantasy which is halimbawa nalang itong game na nilalaro ko ngayon.
"Hoy. Nandyan kalang pala."
Napukaw ng isang boses lalaki ang pagmumuni-muni ko dito sa isang sanga ng puno at dinungawan agad ito.
Nakapamulsa naman siyang ngumiti and using his right thumb itinuro nya ang bandang likuran niya. "Mukhang walang bakanteng dungeon clues sa board ngayon ng Decridel town kaya't kailangan na nating pumunta sa susunod na lugar." sabi ni Ashia.
Dungeon clues are like maps to kung saan dapat makikita ang lokasyon ng mga tagong dungeons. Miminsan lang itong maging available sa laro kaya't pinag-aagawan talaga ito ng lahat ng mga squads.
I sighed, jumping down from the tree landed just infront of him. "Mukhang kahit sa Kentucky wala naring bakanteng dungeon clues." sabi ko naman leaving Ashia with a furrowed eyebrows.
"Wait. Paano mo nalaman na wala naring ganun sa Kentucky town eh itong Decridel pa nga lang naman ang napupuntahan natin diba?" he asked out of curiosity.
"Dark told me." sagot ko sabay nilingon ang aking dark crow sa kanang balikat na tila ba'y nagpapahinga lang.
Ashia was even more confused. "What are you talking about? At sino naman itong si Dark?"
"Ah. Yeah. Ashia, gusto kong ipakilala sayo si Dark." pagpapakilala ko sabay tinuro ng mga magkadikit na daliri sa kaliwang kamay ang uwak sa kanang balikat kong ito. "Dark, siya naman si Ashia." sabay lipat ng pagkakaturo sa kausap ko.
"So ang uwak nayan si Dark?" paninigurado niya.
"Yup." tipid kong sagot. "ang totoo, kanina kopa lang siya binigyan ng pangalan eh. Dahil special siya sa ibang mga uwak ko. Naisip kong bigyan siya ng pangalan."
"Ilang minuto kalang naming iniwan dito tapos eto na nangyari sayo, nakapagbigay kana ng pangalan sa alaga mong white energy." sabi niya.
"Siya si Dark."
"Oo na. Siya si Dark."
Pinalipad ko ulit si Dark sa ibang towns para tingnan ang mga boards doon. Nakikita ko din ang nakikita ng uwak na ito habang lumilipad kaya't alam kona kaagad kapag nakarating na siya doon.
Pero unfortunately, lahat talaga ng towns maliban sa Klioden ay wala ng natitirang mga dungeon clues na pwedeng magamit namin.
Kaya't nung magkatipon-tipon na ulit kaming lima sama-sama na kaming naglakbay papuntang Klioden Town.
Sunday ngayon, alas-dies pa ng umaga kaya't free na free kaming lahat na sama-samang magquest. Preperations nadin 'to dahil bukas narin naman ng gabi ay magaganap na ang inaabangan ng lahat na championship matches.
And to create even more tension and thrill, bukas na bukas nalang din daw ilalabas ang official bracket list ng mga maglalaban-laban sa pagitan ng sampung mga malalakas na squads.
"Uy. Nakabalik na si Dark." saad ni Ashia sabay turo dun sa may 'di kalayuan sa aming harapan at hindi nga rin nagtagal may napapansin na akong uwak na salubong na lumilipad papalapit sa amin.
BINABASA MO ANG
EPIC War Online [COMPLETED]
FantasyYear 2091. The virtual reality game called 'EPIC War online' was the most and the biggest hit all over the world in game history. The gaming company known as the 'CORE' created 4 hidden treasures that is inside this game challenging the whole world...