Simula

9 0 0
                                    

Perhaps Love
©️maiarix

Simula

Dahan dahan kong tinatanggal ang scotch tape sa box ng pagkain habang ang dalawa kong kaibigan naman ay nagtatalo dahil sa nakuha naming grades sa history.

"Sira na ba ang ulo mo Janel? Ang dali-dali lang ng sagot kanina, hindi mo pa nasagot nang maayos." Si Gwen habang nasa gitna namin ni Janel at kanina pa kami sinisermunan.

Bumuntonghininga ako. Kawawa na ang eardrums namin sa sermon ni Gwen.

"Hindi ko na nga kasi alam. Nauunahan ako ng kaba kaya nalito-lito na ako." Nagkakamot ng ulo si Janel. Gulong-gulo na rin siguro sa mga pangyayari. Sa bagay, kahit sino naman yata. Kahit ako, aminadong kinain ng kaba kanina habang nasa harap ng buong klase.

"Tama na 'yan, kumain na lang tayo," mahinang saad ko at inusog ang box ng pagkain kay Gwen. Ilang minuto na kase kaming nandito sa art room at halos mabusog na nga kami ni Janel sa sermon ni Gwen. Breaktime na namin ngayon at kaming tatlo na lang ang naiwan dito. 'Yong ibang classmate namin ay paniguradong nasa canteen na at nag-eenjoy na ng kanilang lunch.

Lumunok ako ng laway nang maamoy ang ulam na fried chicken. Hindi ko na talaga matiis ang gutom ko kaya pasimple akong sumubo.

Siniko ako ni Janel. "Eira," mahinang bulong niya at saka ngumuso.

Nag-angat ako ng tingin nang pakiramdam ko ay sa akin na nakatingin si Gwen. Hindi nga ako nagkamali dahil halos manlamig ako sa paraan ng paninitig niya. Umayos siya ng tayo at binigay ang buong atensyon sa akin. Sa mga oras na ito, parang gusto ko  na lang maging hangin sa sobrang kaba.

"Isa ka pa, Eira!" umpisa niya.

Kinagat ko ang labi ko. Sabi na eh! Sana pala hindi na lang ako nagsalita. Problema pa tuloy.

"May pa-it's complicated complicated ka pang nalalaman dyan." aniya at marahas na inabot ang box.

Ngumuso ako. Sa wala na talaga akong maisip kanina. Paulit-ulit din sa utak ko 'yong salitang iyon kaya 'yon na rin ang sinagot ko. Hindi ko naman alam na mali pala. Akala ko rin kasi hindi na ako tatanungin kung bakit naging complicated ang sagot ko pero hindi, talagang ginisa pa nila ako sa naging sagot ko. Nagmukha na naman tuloy akong engot kanina sa klase.

"Hay naku! Hindi ko na talaga alam kung ano'ng gagawin ko sa inyo. Ba't pa kasi ako ang inilagay sa inyo ni Ma'am Candy," dismayadong saad niya.

Nginuya ko na lang ang pagkain ko. Wala na rin naman kaming magagawa dahil na-grade-an na ang reporting namin. Sa ngayon gusto ko na lang humupa ang inis ni Gwen. Alam ko naman kasing sa una lang ang inis niya at sa ilang oras ay tiyak, wala na rin 'yan.

Hindi ko rin inaasahan ang mga tanong ni Ma'am Candy sa reporting namin kaya ayon, eighty ang grades namin. Kung kami ni Janel ang tatanungin, okay na sa amin 'yon. Sobra pa nga iyon. Kadalasan kasi na natatanggap naming grades ay panay line of seven lang.  Buti na nga lang at nandyan si Gwen kaya nakatikim naman kami ng line of eight na grades.

Labag sa loob na binuksan ni Gwen ang kanyang box ng pagkain. Bago sumubo ay muli niya akong pinandilatan ng mata. Nakakatakot talaga siyang magalit.

"Wag kang mag-alala, Gwen, sa susunod, gagalingan na namin ni Eira. 'Di ba Eira?" si Janel.

Awtomatiko akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Janel.

"Oo, promise 'yan, Gwen." dagdag ko pa at pinag-krus ang dalawang daliri.

Umirap naman si Gwen.

Palihim akong ngumiti sa reaksyon ni Gwen. Sabi na eh! Kunwari pa itong si Gwen. Alam ko naman na kahit strikto siya pagdating sa academic, lumalambot din ang puso nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perhaps LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon