26

63 3 11
                                    

Nang makauwi kami, nag-message na agad ako kay Kuya na nasa bahay na ako.

adelaideclaire: home na:)

Naligo ako at humiga, magpapa-antok. Binuksan ko ang phone ko at pumunta sa Instagram dahil may notification ako. I replied to some messages about my post. Akala nila boyfriend ko, hindi kasi naka-tag si Kuya tas hindi pa kita masyado 'yung mukha niya.

I went to my newsfeed and then saw that Kuya Renzo posted a picture. It was a picture of me eating churros but I was smiling. He captioned it.

Saw this dugyot:))

Maka-dugyot! Ako nga "dude" ang tinawag ko sa kaniya doon sa post ko, tas 'yung sa kaniya "dugyot"?! Kapal. Ang ganda ko kaya doon sa picture na iyon! Stolen siya, pero nakangiti ako habang nakatingin sa kung ano mang lugar. Hindi ko talaga napansin na nag picture siya!

Maya-maya, nag-message sa akin si Ara.

_arabells_: uy look mo dis

Nag-send siya ng picture namin ni Kuya Ren, pero nang i-zoom ko si Kuya Ren, nakita kong nakangiti siya habang patago akong kinukuhanan ng picture!

_arabells_: huli ka balbon

adelaideclaire: anue baaaa, gaga to

_arabells_: kita ko yung pic na yon sa post niya, bilis mang-accept pri

adelaideclaire: kala mo lang yon, guni-guni mo lang yon

_arabells_: k bye

Nag-message naman sa akin si Cheska. Nakita niya na kasi 'yung post naming dalawa.

ffranchheska_: HUY ANONG GANAP, BAT KAYO MAGKASAMA TSAKA ANONG SAW THIS DUDE/DUGYOT

adelaideclaire: uh, pumunta kasi kami dasma tapos diba malapit lang don campus niya, diko rin naman naisip na makikita ko siya. call nga tayo sa messenger, hirap ako mag type

[So, ano nga ang nangyari?!] Tanong agad ni Cheska.

"Eto kasi! Saglit lang!" Huminga ako ng malalim. "Pumunta kami ng Dasma ni Daddy right after you guys left the house. Tapos, initially, we were just gonna meet with Ara, my cousin. Tapos, nakita ako ni Noah doon. Like as in hinawakan niya 'yung wrist ko, ang sakit pa din hanggang ngayon. Tapos ayun, bigla lumitaw si Renzo sabi niya, 'She said to let her go. Bingi ka ba?'. Ganon! Tapos, hindi ko alam na nandoon nga siya! Tapos sinuntok niya si Noah kasi ayaw ako bitiwan. He was asking for forgiveness at kung pwede daw kami maging friends ulit. Like, no effing way. Tapos umuwi na daw kasi 'yung friends ni Kuya kaya sa table namin siya nag-join,"

[Omg ka. Ano namang ginagawa doon ni Noah?] Naguguluhang tanong niya.

"How should I know? Ang alam ko nga nasa Bicol 'yan, e! Tapos, noong pauwi na kami, may nakakakilig na nangyari," tumawa ako ng malakas.

[Omg, spill na!]

"He pulled me by the waist and then kissed me on the forehead!"

[Hoy, putang-]. Muntik siyang magmura. [UY GAGI KAYO. SANA ALL.]

"Tapos, niyakap ko siya tas ang tangkad kaya tumingkayad pa ako tapos ayun, hinalikan ko siya sa pisngi, yie." Tumawa ulit ako.

Umilaw ulit ang phone ko, meaning, may notif.

You missed a call from Maverick Cabrera.

"Uy, gagi. Natawag siya. Talk to you later, bye!" Binaba ko ang tawag.

From: Maverick Cabrera

Sino kausap mo?

Hala may capitalization tapos serious.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon