╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 2
╚════════════. .✯ . ╝Kita ko naman ang pagka mangha niya sa sinabi ko. May sinabi ba akong hindi maganda? O natakot siya sa pananakot ko sa kanya kahit na hindi naman iyon mangyayare
Tumikhim naman siya at tumingin sa iba, natuwa din ako nang tumahimik na siya. Ayuko kasi sa madaldal na lalaki hindi bagay
Dumating naman sila kuya at France maka lipas ng ilang segundo. Umupo naman si kuya sa harap ko habang si France ay naka tayo lang sa gilid ni kuya
"Is it true Elise?"
"Ang?" Yun lang ang nasagot ko dahil hindi ko naman alam ang gustong ipa hiwatig ni kuya. Hindi ko alam ang gusto niyang sabihin hindi ako mang huhula
"You reconciled and you agreed?" Rinig ko naman ang pag singhap ni Rosh sa tabi ko. Tinignan ko pa si France na naka titig lang sakin, nakaka kaba
Tumango naman ako bilang sagot "Seryoso? Sampong taon ang agwat niyo" Bulalas ni Rosh na hindi ko pinansin. Hindi na uso ang edad ngayon
Hindi naman kami tumatanda kaya kahit anong edad ay pwede mag mahal. May karapatan naman tayong pumili ng tadhana natin at labas na ang lahat dun
"Manahimik ka Rosh, wala lang nagkaka gusto sayo" Ngumisi naman si France kay Rosh nang sabihin niya iyon. Rinig ko naman ang pag 'tsk' ni Rosh, kawawa
"Elise, think well we know you're smart, not France" Hinawakan naman ni kuya ang kamay ko habang naka tingin sakin ng blangko ang ekspresyon, katulad ko
Rinig ko naman ang pag tawa ng katabi kong maingay "Tama tama kaya kung ako sayo prinsesa Elise. Iba nalang ang piliin mo" Bigay ni Rosh ng walang kwenta niyang opinyon
"Tsk, ano gusto mo? Ikaw ang gustohin" Lalo namang natawa doon si Rosh, halata kasi sa tono ni France na naiinis na ito sa mga pinag sasasabi nila
"Be silent if you do not want to be expelled from the palace" Matigas na sabi ni kuya sa kanilang dalawa. Tumikhim naman si France at tumahimik na
"Elise, you still have many dreams, don't get married first" Mali ka kuya, wala akong pangarap. At gusto ko agad maka sama si France para hindi ako maiwan
"Ayuko. Gusto ko si France" Tumayo naman ako at tumabi kay France. Humawak din ako sa suot niya, kita naman ang gulat sa kanilang tatlo
Bakit gulat nalang ang lagi kong nakikita sa emosyon nila? May iba paba iyong ibig sabihin?. O sadyang nagugulat lang sila sa pinapakita ko
"Elise." Tawag pa ni kuya Xaeious sa pangalan ko. Ramdam ko ang pag pipigil niya ng galit pero hindi ako natatakot. Bakit ako matatakot sa kuya ko
"Ano ang nangyayare dito bakit ang seryoso niyo sa buhay" Sabay naman kami napa lingon sa nag salita. Ganon nalang ang saya ko nang si kuya Xynon ito
May hawak hawak itong kape sa kaliwa nitong kamay at may tinapay sa kanan niyang kamay. Ngumunguya pa din ito habang naka tingin samin
"Talk to Elise, stubborn" Ayon lang ang huling sinabi ni kuya Xaeious bago umalis. Kaya kaming tatlo nalang ang naiwan dito
Hindi ko sila maintindihan, bakit kailangan nila ako pag bawalan kung pumayag na sila ama. Bakit hadlang sila sa mga gusto ko? Ayaw ba nila ako maging masaya
Sinabi naman ni Rosh ang lahat kay kuya Xynon dahil siya lang naman ang madaldal dito. Kami naman ni France ay walang balak na mag kwento
"Ganon ba, ayos lang naman sakin basta wag lang sasaktan ang prinsesa ko" Ngumiti naman sakin si kuya Xynon at ginulo ang buhok ko
BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4)
VampireValkyrie Series #4 The 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 Elise Sy Valkyrie ┊┊┊✧ ⁺ ⁺ 𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚊𝚢𝚜 𝚜𝚑𝚎'𝚜 𝚊 𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚕𝚎𝚜𝚜 𝚙𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜. 𝙱𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚍𝚒𝚍𝚗'𝚝 𝚔𝚗𝚘𝚠 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚛𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝚋𝚎𝚑𝚒𝚗𝚍 �...