You'll attract what you think. If you think of your fears, then it will slowly materialize in front of you.
And this is it, alam ko namang temporary lang ang lahat ng ito pero ngayong oras na aalis siya, hindi pa ako handa. Alam kong paglabas ni Archon ng pinto, sigurado akong hindi na siya babalik pa samin. Sobrang liit ng tiyansang babalik pa siya.
We walked him out of the apartment building.
May pagkamasokista talaga ako, alam kong masasaktan ako pag-alis niya pero hinatid padin namin siya ni Averrie.
"Salamat, Archon. Salamat sa konting panahon na pinakita mo na mahal mo sa Errie. I'll take care of her." I tried to give him a smile.
"Debs... babalik ako." Matigas niyang sabi.
"Katulad ng sabi mo, hindi natin alam ang kinabukasan. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko ang anak natin."
Tinitigan niya kami.
"This is not a goodbye, Debborah." Matigas niyang sabi at hinalikan sa noo si Errie. "Be a good baby kay Nanay, Errie ha. Para hindi ka palo sa pwet ni Tatay pagbalik."
Errie smiled when he heard his father's voice.
Wala siyang kamuwang-muwang na baka ito na ang huling pagkikita nilang mag-ama.
"Mag-iingat kayo. I'll call you from time to time, please sagutin mo ako at huwag mo akong iblo-block. Hindi mapapalagay ang loob ko dun."
Hindi na ako umimik.
Marami akong gusto itanong pero mas pinili ko ang dalawang salitang magtitigil sa kahibangan ko.
"Umalis kana."
Archon deeply sighed, he kissed Errie's forehead again and proceeded to kiss my forehead too. Pagkatapos ay tumalikod na siya at sumakay sa naghihintay na sasakyan na maghahatid sa kanya sa airport, pabalik sa Pilipinas.
Noong wala na ang sasakyan sa paningin ko, dun ko lang hinayaan na tumulo ang luha na ilang araw ko ng pinipigilan. Ako naman ang may gusto nito dahil nakikita kung paano siya tulala nitong mga nakaraang araw simula ng malaman namin ang isang posibilidad.
This is my reality.
Ako ang laging naiiwan.
Agad akong bumalik sa apartment at nagligpit ng gamit. Hindi ko kayang magstay sa apartment na 'to kakahintay kay Archon. Mababaliw ako kakaisip, kakahintay kahit alam ko namang hindi na siya babalik. Maghihintay lang kami sa wala at ayaw ko nun.
I called Mama Mondi, kasalukuyan kase silang nasa Dubai at nag-aasikaso ng expansion ng isang hotel. Na kaya na nila akong iwanan because I convinced them at nandito naman si Archon to help me.
"Yes, dear." Bati ni Mama Mondi.
"Ma..." Hindi ko napigilan na hindi humikbi.
"What happened, Deborrah? Okay lang ba si Averrie?" I felt the panic in Mama's voice.
I chuckled a little.
"Ayos lang kami, Ma. Magpapaalam lang ako na magbabakasyon."
Mama exhaled.
"Juskong bata ka! Pinapakaba mo ako. Okay ka lang ba? Something happened? Kaya gusto mong magbakasyon?"
"Wala naman, Ma."
"Kasama mo naman si Archon, diba?"
Hindi ako sumagot.
"At saan naman kayo nagbabakasyon ng apo ko?"
"Hindi ko pa alam, Mama..."
"Basta mag-iingat kayo. And I want an update every day kung nasaan kayo ng apo ko."
BINABASA MO ANG
Just a Little Bit of Your Heart
RomanceArchon and Debs' Story ------ Bata palang gusto ko na siya. At ginawa ko ang lahat para mahalin niya ako. But I will always be the least pagdating sa kanya.