Prologue

52 0 0
                                    

Bakit ba tayo nagmamahal?

Isang napakasimpleng tanong na ang hirap hanapin ng sagot.

Sabi nga nila, pag nagmahal ka nagiging tanga ka. Hindi mo makita yung mga kamalian niya kase nakatuon ka sa mga tama niya. Hindi mo na napapansin ang sinasabi ng iba, basta mahal mo, mahal mo! Tapos.

Pero minsan kailangan mo pa ring bumitaw, magparaya. Kailangan mong palayain ang nagiisang bagay na nagpapasaya sayo para mawala ang nagiisang dahilan kung bakit ika'y nasasaktan. Mahal mo nga pero nasasaktan ka na pala, dapat lang na hayaan mo na. Pagdating sa pag-ibig masasaktan ka talaga. Kahit pa sabihing dyan ka masaya. May hangganan pa rin yan. Huwag ng ipilit ang mga bagay na hindi na pwede. Lalo na kung ramdam mo ng ito'y imposible. Try to let go and Move on.

Lahat tayo masasaktan, makakaranas ng ilang heartbreaks pero ang mahalaga naman e nag take chance ka. Hindi man kayo tumagal, pero alam mo sa sarili mo na siguro hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. At kapag dumating ang taong nakalaan talaga para sayo, kayang kaya mo na ang lahat ng pagsubok na dadaan sa inyo.

Ito na yung PINAKAMASARAP.
Yung hindi sinasabi pero nararamdaman. Yung walang singsing pero kuntento. Yung walang sumpaan pero walang iwanan at yung walang titulo, pero alam mong iyo.

Darating talaga sa buhay natin na mamahalin tayo ng higit pa sa pagmamahal na kaya nating ibigay. At pag dumating yan, wag mo ng pakawalan pa.

That thing called PAG-IBIG! ♥
By: emefengerl

★★★★★★★★★★★★★★

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That thing called PAGIBIG (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon