🌸TVMAE 23🌸

434 41 0
                                    

♡Dedicated to zhanayakitty

CHAPTER TWENTY-THREE:

Almost

GRACE POV


"Ohhh sis mabuti nakapunta ka, akala namin hindi na eh," naagaw ang pansin namin ng marinig naming magsalita si Elle, Annah is here na pala. Glad she came.

"Lyn texted me and told me na nandito kayo," sagot ni Annah sa kaniya. Buti naman, may point naman din kasi si Annah but we need to be careful sa mga actions namin, you know buntis ang tao at isa pa kabilin-bilinan ng doctor na bawal siya ma-stress, naku talaga!

"That's good," singit ko sa kanila. Ngumiti lamang siya, and I smiled to her too. Alam kong 'di nila matiis ang nangyari.

"Sorry guys kung ano ang inakto ko kanina, sorry," hinging paumanhin nito. Naku no issue 'yan sa amin.

"No need to say sorry girl," Elle.

"Yeah, past is past," Joli.

"Huwag mo ng isipin iyon," Jane.

"Talaga, thank you," sambit niya lang, ito talagang si Annah.

"Hali ka nga rito, ang layo mo," aya sa kaniya ni Jane. Kasi naman nakaupo kaming lahat dito sa waiting area while siya nakatayo tapos medyo dumistansiya pa aytt!

"Nasaan na pala si Lyn?" Tanong nito ng makalapit na ito at umupo sa bakanteng upuan.

"Nasa loob na siya nag pa-check up na, kakarating lang din namin," sagot ni Elle habang tumitingin kami sa wall glass. Madami-dami rin kasi ang naka-schedule ngayong magpapa-check up kaya dito na lang kami sa labas maghintay. Baka mapagkamalan pa naku ammp.

"Pagkatapos niyang magpa-check up, direct na agad ang pag-ultrasound, nakaka-excite uwuuu," sambit ni Joli habang tumitingin din doon. Next na si Lyn ang titingnan ng doctor.

May maliit kasi na room sa loob ng room na ito, exclusive lang para sa ultrasound activity kaya definitely 'di namin makikita kasi may takip na puting tela ayytt.

Beside nagdesisyon din kami na si Lyn muna ang makakaalam sa kung ano ang result ng kaniyang ultrasound para naman ma-excite kami uwuuuu!

"Magpa-baby shower ba raw si Lyn," biglang tanong ni Elle. Ewan, sana nga para naman may party si baby. Excited na talaga ako, sinabihan nga ako ni Zander na gagawa na lang daw kami ng amin, langya talaga. Kahit stable na ang buhay ko, promise ko sa sarili ko na 'di ako mag-aasawa hangga't 'di ako naging professional. Alam ni Zander 'yon at alam ko na rin, in love na in love siya sa akin kaya malabong iiwan ako pfffttt yabang self ahh BWAHAHAHAHAHA.

"Sana nga, para maasikaso at masingit sa to do list natin ackkk!" Sagot naman ni Jane. Halos yata kami excited eh, awiiieeee!

"Baka gutom na kayo riyan, sana nagdala kayo ng foods," suggestion ni Annah. Naku 'yan ang ayaw ko talaga. 'Di ko masikmurang kumain sa hospital. Ang amoy kasi ehh brrr!

"Naku, ikaw na lang sis. Busog pa ako," Jane.

"Same here," Joli.

"Me too," Elle.

Ilang oras na kasi 'di pa rin tapos si Lyn. Nasa ultrasound section na siya kay hintay-hintay lang talaga, malapit na malapit na talaga. Konting tiis na lang.

"Ikaw Grace?" Lingon sa akin ni Annah. No thanks na lang.

"Nakalimutan mo na ba sis, ayaw na ayaw niyang kumakain sa loob ng hospital," salita ni Joli na imbes ako ang sasagot ayttt she really knows me ahh, tama naman.

The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon