"First love never dies!" Pang-aasar nya sa akin..ngingiti ngiti pa ng nakakaloko.
Nakakainis talaga.."eh kung patayin kaya kita para mapatunayan ko sayo na first love dies!?!" Sigaw ko sa kanya.
"Hahahahahha!!!...Edi inamin mo din na first love mo nga ako!hahahhahaha" tatawa tawa nyang sabi.
"Wala naman ako inamin ah! Inisip ko ulit yung sinabi ko....at......Ayayay...parang inamin ko na nga..kainis talaga asar talo nanaman ako..makaalis na nga lang..
May nakita akong libro na kasing kapal ng encyclopedia...kinuha ko yun at binato sa kanya" Ewan ko sayo...unggoy Ka!!!" Sabay takbo palabas ng pinto....pero naunahan nya ako sa pintuan..agad nya yung isinara at isinandal ako duon,itinukod nya ang dalawa nyang braso sa magkabilang gilid KO..
"Ang sakit nun ah!!" Galit nyang sabi
"Dapat sayo parusahan!" Unti unting lumalapit ang kanyang mukha sa aking mukha.."Hahalikan mo ko noh!!!manyak Ka!"
Sa wakas magkakaron na ko ng second kiss...ahihihi!umaasa kong puso,isip,at kaluluwa.."Asa Ka pa!" Sabay layo sa akin.. "Simula bukas ng umaga ikaw ang magtatanggal ng mga ligaw na damo sa buong flower farm! Yan ang parusa mo..Hindi mo ginagalang ang boss mo!" Kunot noo nyang sabi..sapo sapo ang kanyang ulo na tinamaan ng libro.
"Pero...ikaw kasi inaasar mo ko.." Pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Walang pero pero..napaka bayolente mo..."
Haaaayyyy...kailangan ko sumunod..sa boss ko.
Haaaaaayyyy!