"Guys! Magpapalaro tayo! Bawal ang KJ!" Sabi ni Tita Carms sa mic."Yey! Sali po ako sali po ako." Sabi ni Jerome habang tumatalon. Tumango naman si Tita Carms.
"Okay ang first game natin bring me." Pagkasabi ni Tita Carms na bring me ang unang game bigla nagsi ayos ng mga upo sila Kuya Owen kaya nag ayos din ako ng upo. Nag ready na sa pag takbo.
"Okay game!" Sabi namin.
"Okay. Bring me~ Cellphone!" Pagkasabi ni Tita Carms kaagad kong kinuha yung cellphone ko na nakapatong lang sa lamesa sabay takbo papunta kay Tita Carms.
Naibigay ko na kay Tita Carms yung phone ko pero may kasabay akong nagbigay ng cellphone lahat pala kami nagbigay ang bilis naman nilang tumakbo kanina lang nagtutulakan pa sila para lang hindi sila makalapit kay Tita Carms.
"Okay ang nauna si Ayane!" Sabi ni Tita Carms kaya nagtatalon sa tuwa si Ayane para talagang bata.
Kinuha ko na yung cellphone ko sabay lagay sa bulsa ng pants ko. Binigay ni Tita Carms yung cupcake na nakabox kay Ayane.
"Yeah!" Sabi ni Ayane habang abala sa pag bukas ng box.
"Ang daya naman Tita wala naman po akong cellphone eh." Nakapout na sabi ni Jerome. Napakamot naman sa ulo si Tita Carms natawa tuloy kami.
"Bring me~Jerome!" Sabi ni Tita Carms.
"Huh?" Takang tanong namin.
"Ako yun ako yun!" Sabi ni Jerome kaya naman bigla akong tumakbo para kunin si Jerome.
Hiniwakan ko yung kamay nya pero may humawak din sa kamay ni Jerome pagtingin ko lahat ulit kami nakahawak sa kamay ni Jerome.
"Aray ha? Itulak daw ba ko?" Sabi ni Ate Ria.
"Sorry naman taba mo kasi eh." Sabi ni Kuya Owen sakanya kaya ayun nakatanggap ng hampas si Kuya Owen.
"Bitaw na guys." Sabi ni Ate Akira kaya binitawan na namin yung kamay ni Jerome.
"Nauna si Yumi sorry kayo." Sabi ni Tita Carms natuwa naman ako malapit lang kasi ako kay Jerome. Para din pala akong bata. Inabot na sakin ni Tita Carms yung box ng cupcake.
"Bring me~ Bracelet." Sabi ni Tita Carms. Yumuko ako para kunin yung anklet ko sa paa pwede naman siguro to pagkatanggal ko tumakbo ako agad pero nauna na samin si Ate Shanen.
"Si Shanen ang nauna." Sabi ni Tita Carms.
"Next game naman natin by partner nung aapak sa dyaryo tapos paliit ng paliit yung aapakan."
"Yay! Gusto ko yan Tita!" Sabi ni Ayane kay Tita Carms nag high five pa sila.
"Kuya ikaw ang mgstop ng music?" Sabi ni Tita Carms kay Papa. Tumango naman si Papa.
"Oh guys hanap na ng kapartner." Sabi ni Tita Carms kaya naman naghanap na sila ng kapartner.
"Hoy! Rio halika dito." Sabi ni Ate Ria sabay hila ng damit ni Rio pabalik sakanya.
"Aish ang daya si Yumi dapat aayain ko eh." Sabi ni Rio napakamot pa siya sa ulo nya.
"Partner tayo?" Tanong ko kay Akihiro siya nalang naman kasi yung walang kapartner. Tumango siya. Ang kapartner ni Kuya Shin si Ate Shanen. Si Kuya Owen kapartner si Ate Akira at syempre magkapartner sila Ayane at Yuki.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
General FictionHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...