Alicia Pov's
Nauna akong nagising kay sir Gabi, nagising ako sa tawag ni mama. Tinatanong kung nasaan daw ako. syempre ang sabi ko nakila miho ako kasi baka magalit kung malaman nya na may kasama akong lalaki. Nagpunta ako ng banyo at nagmumog tapos deretso labas papuntang grocery para bumili ng toothbrush at pagkain.
Bagbalik ko ng hotel tulog pa rin si sir Gabi, "hala, tulog pa rin si sir siguro marami talaga tong nainom" bulong ko.Dumiretso ako ng kusina para magluto, habang naghihiwa ako aksidente kong nahiwa ang daliri ko. Hinugasan ko agad tsaka tinalian ng tela wala kasi akong band aid. Tinuloy ko ang pagluluto.
Nang natapos akong magluto, dun pa lang nagising si sir Gabi
" Good morning sir" bati ko, parang hilo pa si sir "Anong ginagawa ko dito at bat kita kasama" tanong nya. "Ah kasi ganito yun na wrong send ka, sa akin mo nasend yung mga messages mo na para sana sa girlfriend mo, tapos pinapunta mo ako doon sa bar tapos hinali..." sagot ko "tapos??" Tanong nya "ha? Ah, tapos dinala kita dito sa hotel,pero wag ka pong mag alala kasi po sa kama ka naman po natulog ako po sa sofa natulog so hindi po tayo magkatabi" sagot ko, muntik ko nang masabi na hinalikan nya ako
"sir wala pu ba talaga kayong naaalala tungkol sa nangyari kagabi?" Tanong ko, "ahh, onti lang yung naaalala ko eh nagpropose ako kay april tapos hindi sya..." sagot ni sir kaso naputol ang pagsasalita nya at bigla nyang hinanap si april "si april? Nasaan sya?" Tanong nya, "sino pong april?" Tanong ko, "hay, yung cellphone ko na lang nasaan?" Tanong nya, "nasa table po" sagot ko, sabay dampot ni sir ng cellphone nya at may tinawagan. "Please,sumagot ka please" sigaw nya. "Sir!" Tawag ko sa kanya. "What?" Sigaw nya. "Sorry po pero gusto nyo pu bang kumain o magtooth brush" sabi ko, katakot naman yung sigaw ni sir Gabi. "Ahh,sorry sige magtootooth brush muna ako" sagot nya, "sige po" sabi ko, kinuha nya yung tooth brush at toothpaste sabay diretsong banyo.
BINABASA MO ANG
Opposite love
RomanceNaniniwala ka ba sa TADHANA? Kasi ako oo, naniniwala ako kasi sa akin mismo nangyari yan. Kaya mo bang makasal sa taong hindi mo naman kilala? Siguro kapag lasing kang kinasal o kaya naman aksidente kang nakasal sa iba...hmmm Para malaman nyo subuk...