"Ma'am Gabrielle, may bisita po kayo" ani Manang Kristela na bahagyang binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"Sige po Manang bababa na ako" turan ko at pinatay ko na ang laptop na kanina ko pa tinititigan, ni walang kahit na ano ang pumapasok sa utak ko mula kanina.
"Hi Gaby" nakangiting bati nya sakin ng makalapit na ako sa kinatatayuan nya.
"Vince…" Ginantihan ko rin sya ng ngiti. "Long time no see…. San lupalop ka ng mundo nagbakasyon?" Pabirong tanong ko sabay halik ko sakanya sa pisngi bilang pagbati.
"Namiss mo naman ako?" He chuckled.
"Of course…" Tapos giniya ko na syang maupo. "Not" dugtong ko pa sabay tawa.
"Seriously?" Nakakunot ang noo na tanong nya.
"Kidding" then i winked. "Buti naman at naisipan mo agad akong dalawin."
"I went to the other dimension just to think about something that botheres me a lot" seryosong sagot nya.
"O tapos? Naisip mo naman ba ang something na yun?" Tanong ko habang inaayo ang meryendang inihain samin ni Manang.
"Yes, that's why i'm here…" Parang wala lang na sabi nya.
Napataas naman ako ng kilay.
"Gab, lets have dinner together."
"Sure…wow ha, dumayo ka pa sa ibang dimension para pag-isipan kung ililibre mo ba ako ng dinner?" Biro ko, nagtataka man ay dinaan ko nalang sa biro ito.
"Ok then, i'll pick you up around 6pm Alright?"
"Yeah…"
"Good, so i have to go now. May aasikasuhin lang ako." Tumayo na sya at hinalikan ako sa noo. Nagulat naman ako sa ginawa nya, napakabanayad at light ang ginawa nyang paghalik sa noo ko. And i think ito ang unang pagkakataon na ginawa nya yun.
***
Lulan na kami ng kanyang sasakyan. Parang ang layo naman ng pupuntahan namin. Binuksan ko naman ang bintana sa side ko dahil sa magandang view na nadadaanan namin. May dagat at may mga magagandang yate ang nakahimpil sa hindi kalayuan.
"We're here…" Aniya
Tahimik lang ako habang ginagala ko ang paningin sa paligid. Inalalayan nya naman akong sumakay sa yate.
"Hindi mo naman sinabi na dinner date pala itong pupuntahan natin edi sana nakapag-ayos ako ng maganda. Kala ko kasi its just a simple dinner." Mahabang reklamo ko habang sa paligid pa rin ng dagat nakatingin.
"Maganda ka naman kahit ano pang ayos mo Gab" may lambing sa kanyang tinig kaya napalingon naman ako sakanya.
"Bolero ka talaga" biro ko.
Nakahain na ang lahat at tahimik kaming kumakain habang may tumutugtog na music sa palagid, sweet music at tanging kaming dalawa lang ang narito.
Bumabawi lang siguro dahil sa tagal nyang nawala. Pagkatapos kumain ay napagpasyahan naming lumabas at tumanaw sa napakagandang dagat. Nakatayo kami ngayo sa gilid ng yate. Medyo umaalon alan pa ito sa tuwing nagbibigay ng malakas na hamapas ang tubig.
"Gab, hindi na ang magpapaliguy ligoy pa." Nilingon ka naman sya.
"May problema ka ba Vince?" Nag-aalalang tanong ko. Napangiti sya sa turan ko at bahagyang umiling.

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...