LB 5: Bumabagabag
Jamilla's POV
"Thanks, Doc" agad kaming tumayo ni Kent pagkatapos niyang kausapin ang vet ni Ella.
Bakas parin ang lungkot sa mukha niya. Gano'n ba siya ka-apektado sa kundisyon ng aso? Binuhat na niya si Ella at hawak-hawak naman no'ng maid nila ang dextrose na nakasaksak dito.
Nang makarating kami sa sasakyan niya ay ibinigay niya sa kasambahay ang aso.
"Kent, I'll seat at the back. Ako nalang yung magkakarga kay Ella"
Nakita ko lang na napangiti siya atsaka binitawan ang katagang "Sure" Tumabi ako kay Manang atsaka kinuha si Ella. Hawak-hawak niya naman ang dextrose.
Tahimik lang ang buong biyahe. Tulog na tulog ang aso dahil na rin siguro sa sakit nito. Sa pagkakatanda ko ay mas makulit si Ella kay Kenken pero hindi mo makikitaan ng kahit konting sigla ngayon ang makulit na aso.
Maya-maya lang ay nakarating kami sa bahay nila. mukhang na-renovate ito dahil mas lumaki ang garden nila at nag-iba rin ang kulay ng buong bahay.
"Come in" Pumasok ako sa loob dala-dala si Ella habang si Kent naman ay hawak ang dextrose. Bumungad sa'kin ang isang napakalaking family picture nila at doon lamang nag sink-in sa buong sistema ko na maaaring Makita ko ang mga magulang niya dahil nandito ako sa loob ng pamamahay nila.
Handa na nga ba akong makita ang mga taong nagpahirap sa Mommy ko?
"Maupo ka muna" Iniwan ako ni Kent sa salas. Maya-maya lang ay bumalik din siya dala ang isang maliit na comforter. Nilatag niya ito sa couch atsaka kinuha sa'kin si Ella at inihiga doon.
"Get well, Baby" lumuhod pa siya para lang halikan sa ulo ang aso.
*Arf arf arf*
May asong dumating at agad na pumwesto sa mga hita ni Kent. Para itong taong nag-aalala dahil agad itong dumungaw sa nanghihinang aso na nakahiga sa harapan niya.
Nakita kong tumingin sa'kin si Kent atsaka nagsalita.
"Si Kenken"
"I know" Natatandaan ko pa ang hitsura nila. tumaba at humaba lang sila pero ganoon parin.
"Ken, stay beside Ella. Take care of her, ok?"
*Arf*
Napangiti ako dahil para itong taong nakikipag-usap. Itinabi ni Kent si Kenken kay Ella atsaka ito umayos ng tayo.
"I'll prepare some foods" tinanguan ko siya atsaka siya umalis at dumiretso sa kusina.
BINABASA MO ANG
Lifeless Battle [CHSL Book2]
RomancePaano nga ba mahihilom ang sugat ng nakaraan kung ang sakit ay lagi nalamang inaalala at binabalikan? Watch out for the story of Jamilla and Kent which started from a simple "CRAZY HIGH SCHOOL LIFE" and turned out to be a lifeless one. "LIFELESS BAT...