Kabanata 23

2.9K 90 5
                                    


Nasa library kami nila Ayane para tapusin ang project namin. Tahimik lang kaming gumawa dahil maramirami rin itong tatapusin namin. Parang drafting kasi itong ginagawa namin kaya dapat maayos ang pagkakadrawing. Ang tagal rin namin itong ginagawa halos dalawang araw na din.

"Yumi pinapatawag ka ng ate mo sa likod daw ng school building..." Sabi ng babae saakin pagkatapos ay umalis narin.

Napakunot ako ng noo. Bakit sa likod pa ng school building at bakit naman nya ako pinapatawag eh mag uuwian narin naman?

"Alis muna ko ha?" Pabulong na sabi ko kila Yuki at Ayane. Tinanguan naman nila ako.

Iniwan ko na yung bag at gamit ko sa library. Sandli lang naman siguro kaming mag uusap ni Ate babalikan ko nalang kapag bukas na ang gate. Mamayang ala singko pa kasi ang uwian namin.

Ilang lakad lang nakarating narin ako sa likod ng school building pero wala parin si Ate. Ibang tao ang narito.

"Hey! You're here!"

Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Lagot.

Sila Ate Hazel at Ate Pauleen. May kasama pa sila na dalawang babae ang isa  sakanila at iyong tumawag saakin mukhang mga first year palang sila.

Anong ginagawa nila dito ang sabi nung babae kanina si Ate daw ang nagpapatawag sakin pero bakit sila yung nandito? Kinakabahan ako parang alam ko na yung mangyayari saakin.

Tinulak nya yung dalawang babae papunta sakin. Tinignan ko sila mga mukhang takot na takot silang dalawa.

"Gawin nyo na!" Sigaw ni Ate Pauleen sa dalawang babae nagulat yung dalawang babae at agad na may kinuha sa plastic na hawak nila.

"Kapag hindi nyo pa ginagawa sainyo ko gagawin yan! Isa!" Sigaw ni Ate Hazel.

Ano bang gagawin nila? Kunakabahan na talaga ako ang lakas ng ng kabog ng dibdib ko.

"Dalawa!" Sigaw nila Ate Hazel at Ate Pauleen. Biglang nataranta ang dalawang babae kaya kaagad silang lumapit saakin at binuhusan ako ng malaming na malamig na yelo.

Napaupo ako sa sobrang laming ng yelo napayakap na ako sa sarili ko dahil basa na ang uniform ko. Napanganga ako sa gulat. Naiiyak narin ako akala ko yelo lang ang ibibuhos nila sakin pero may binuhos din sila sakin na kape. Habang ginagawa ng dalawang babae iyon saakin tawa lang ng tawa sila Ate Hazel at Ate Pauleen.

Naikuyom yung kamay ko sa sobrang galit pero hindi ko nagawang labanan sila bakit ba ang duwag ko!?

Napahinto ang dalawang babae sa pagbubuhos sakin ng kung ano ano. Tinignan ko sila naiiyak na sila sa ginagawa nila saakin. Siguro ay  inutusan sila para gawin ito saakin.

"Ituloy nyo! Ano ba?!" Sigaw ni Ate Hazel.

Lalong lumapit sakin yung dalawang babae at binasag sa ulo ko ang mga itlog na hawak nila.

Ang sakit na ng ulo ko wala akong mgawa kundi umiyak lang ng umiyak. Nagsabi lang ako ng totoo pero bakit ganito yung kapalit? Dapat ba manahimik nalang ako tuwing may masama akong naririnig? Bakit ba may mga taong ganito! Ayoko na gusto ko ng umuwi.

"Oh ilabas nyo na ang famous na harina." Nakangiting sabi ni Ate Pauleen. Tinignan ko siya ng masama naiinis ako at nagagalit. Gusto kong lumaban pero hindi ko kaya. Gusto kong maging matapang pero hindi ko kaya.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon