"Jake Xeren Mirvalles, the grocery guy last time." Nakangiting pakilala niya.
Napatingin ako sa nakalahad niyang kamay at akmang aabutin ko na ito pero tumikhim si Xevier habang seryosong nakatingin sa amin. Saglit ako napatingin sa kan'ya at nagkibit balikat, inuubo lang siguro siya.
"Kracielle Acedre." pakilala ko at tinanggap ang kaniyang nakalahad na kamay.
Kita ko ang pag-ikot ng mata ni Xevier nang palihim. problema nito? napuwing kaya siya? pero parang impossible magka alikabok. dahil tila ni maliit na dumi ay hindi dinadapuan ang paligid sa sobrang linis nito.
"The grocery guy? what do you mean?" Naguguluhang tanong ko kay Xeren dahilan para matawa siya.
"Nakalimutan mo na agad ako?" Natatawang saad niya padin kaya nagtataka akong nakatingin sa kan'ya.
"We met at the grocery last week when you are with my brother Xevier." Tukoy niya kay Xevier na naka cross arm habang diretso ang tingin sa akin.
Muli kong ibinalik ang atensyon kay Xeren. "Oo... nasabi na sa'kin ni Xevier pero.... hindi ko talaga maalala." Nahihiyang saad ko, hayss!!
"At the VIP office." Teka.... familiar---
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung saan ko siya nakita.
"Ikaw 'yon??" Gulat na tanong ko kaya natawa ulit siya.
Kung si Xevier iiling-iling habang bahagyang tumatawa, si Xeren naman parang nakikipag usap lang sa matagal na niyang kaibigan kapag tumatawa.
"I am glad you remember."
Rinig kong may ibinulong si Xevier pero pag lingon ko agad siyang natinag at umiwas siya ng tingin.
"We have to go, mind your own business for now." Seryosong sabi ni Xevier sa kapatid niya bago ako hawakan sa braso. Wala na akong nagawa kaya nagpatianod nalang ako sa pag-lalakad niya.
"Xevier.... teka!" Bawi ko sa kaniya nung braso ko dahil sobrang bilis niya maglakad at feeling ko madadapa ako.
"I'm sorry, nasaktan ba kita?"
Mukang na guilty siya sa ginawa niya kaya mabilis akong umiling dahil baka mali ang isipin niya. Hindi naman niya kasi ako nasaktan.
"H-hindi naman.. Ang bilis mo kasing mag-lakad, hindi ako makasabay." Paliwanag ko, kita ko ang pag guhit muli ng nakakalokong ngiti niya kagaya nung kanina.
"it's because you are a shorty." Shorty?? Hindi ba pwede matangkad lang siya? Sa tingin ko kasi ay nasa kulang six feet ang tangkad niya. samantalang ako ay 5'7 feet lang.
At least maganda.
"Shorty ka ja'n, higante ka lang." Bawi ko, bakas sa muka niya ang irita dahil sa sinabi ko kaya natawa ako.
"ATEEE TIGNAN MO PO!" Tumatakbong lumapit sa akin si Cyrill dala-dala ang isang manika. Pagkalapit niya ay itinaas niya ito para ipakita sa akin. "Super cute niya ate." Ngiti niya na labas ipin.
"Gusto mo ba siyang iuwi?" Tanong ko sa kaniya at pinisil ang kan'yang matambok na pisngi.
"Pwede po ba 'yon?" Nagtatakang tanong niya.
"Sabi mo cute siya, edi iuuwi mo na siya mamaya kapag tapos na kayong maglaro." Napangiti siya sa sinabi ko at agad akong niyakap. "Salamat po ate!"
Hinimas ko siya sa buhok at patakbo siyang bumalik sa mga kasama na naglalaro din.
"Kapag ba sinabi kong cute ka, p'wede nadin ba kitang iuwi?" Saad ni Xevier kaya napalingon ako sa kan'ya na nasa tabi ko.
"Anong sabi mo?" Naguguluhang tanong ko dahil hindi ko magets kung may gusto din ba siyang iuwi.
BINABASA MO ANG
You Can't Just Buy Love (MMxMB) - JX Series #1
RomanceJX Series #1 Love is a pain and misery. Totoo iyon at pinatunayan nina John Xevier Mirvalles at Kracielle Acedre. Hindi man naging maganda ang simula ng nararamdaman nila para sa isa't-isa pero may kasabihan na... Kapag may tiyaga, may nilaga. Ano k...