Chapter 55

31 3 9
                                    

Tahimik na naghuhugas ng mga kasangkapan si Alisson sa lababo. Ang dalawang tsikiting na alaga ay ngayon ay natutulog sa may sala sa sobrang kapaguran pakikipaglaro sa boys kanina. Kaya naman ang tiyuhin ng mga bata ay naisipan mag latag na lamang ng mahihigaan ng mga pamangkin, may halos dalawa't kalahating oras na natutulog ang mga ito. Pagkatapos makipaglaro, ang boys naman na bisita sa pamamahay nina Maki at Hanagata ang na atasan na bumili ng mga gamot na nireseta kay Seki. Sumama din sina Soichiro at Olivia dahil binanggit ni Alisson na kung dito maghahapunan ang lahat ay mabuti pa bumili na rin sila ng mailuluto pati narin citrus fruits na balak nitong gawing maiinom para sa kababata.

Mabilis na natapos ni Alisson ang ginagawa, pinunasan agad nya ang mga kamay gamit ang hand towel na nakasabit sa bintana sa kusina. Sa paglingon sa hapagkainan, doon nya nakita sina Maki at Hanagata na abala sa pagbabasa. Sa pag susuri rin nya, masasabi nya na panay dokumento ito patungkol sa kanilang negosyo.

Napapitlag ang dalawang binata nang marinig ang kalatog ng baso, sabay pa sila napalingon. Doon napagtanto na si Alisson pala ito na nagkusa na ipagtimpla sila ng mainit na kape, binigyan rin sila ng sandwich habang may ngiti sa labi.


"Makatulong ang may kinakain habang nag iisip patungkol sa negosyo" nagawa pa magbiro ng dalaga

(May kambal na ngiti ang dalawang binata, niyaya ni Maki na samahan sila ni Alisson na pinaunlakan naman nito)


"Salamat, Alisson... pasensya ka na hindi kami makatulong sa gawaing bahay.." pasasalamat at paghingi ng depensa ni Hanagata
"Iee... Okay lang.. Naintindihan ko naman na busy kayo, tsaka ganito rin naman ang ginagawa ko sa bahay namin.." umiling si Alisson, pagkatapos ay hinaplos ang mug na naglalaman ng mainit na tsaa na para sa kanya

Si Maki ay panay ang tipa sa laptop, hindi inaalis ang mga mata sa screen nito pero nakikipag usap sa mga kasama "...Kumusta si Seki? Bumaba na ba ang lagnat nya?", hindi naman sila nag aalala ni Hanagata na baka mahawa ang mga pamangkin dahil minarapat nila na dito na lamang sa baba mamalagi ang mga bata habang nasa itaas ang pasyente. Bukod dito ay naka kulong lamang sa silid ang dalaga, umiinom din ng vitamins sina Riqui at Nique. "Minsan... ano kasi, taas baba ang lagnat ni Seki..." tipid na paliwanag ni Alisson. Ipinaliwanag naman ni Hanagata na mas lalagnatin pa ang dalaga sa oras na makainom na ito ng antibiotics. Tumango naman si Alisson at sinabi na ayon din ang paalala ng doktor sa kanila kanina.

"..Hindi ba masira ang tulog nila mamaya gabi? Ano oras na rin kasi." pag voiceout ni Hanagata sa kaibigan
"...Malamang mamumuyat na naman sila mamaya..." sa boses ni Maki ramdam na handa na ang binata na magpuyat


(Pigil naman ang tawa ni Alisson sa interaction ng dalawang binata)

"Gisingin ko na kaya... ala singko na rin ng hapon..."
"...."

"Don't... masama, mas lalo masisira ang tulog ng mga bata...
At isa pa, parating na ang boys, I'm sure magigising na sina Nique at Riqui" pinigilan ng dalaga ang balak ng binata


 Nagkatinginan naman ang magkaibigan, sa palagay nila ay tama si Alisson sa obserbasyon nito. Tumango sila at nagpatuloy sa paghahapit ng reports na kailangan nila bukas. Habang tahimik ang tatlo ay sya naman pagbaba ni Kiyota, tumango lang sya sa mga kaibigan at dumeretso sa kusina para salinan muli ng tubig ang pitsel, pagkatapos ay nagtungo ulit ito paakyat ng hagdan. "Sobra ang pag aalala nya kay Sekinari, neh?" pagbulalas ni Alisson ng obserbasyon habang ang kanang daliri ay iniikot sa basong gamit. Nagkatinginan muli sina Maki at Hanagata "..Aa... naging seryoso yang kaibigan namin pag si Seki na ang pinag uusapan...".

.....


 Dahan dahan ang pagsara ni Kiyota ng pinto, tinungo nya kung nasan ang lamesa para maipatong ang dalang pitsel. Sinalinan nya din ng tubig ang baso bago tinabihan si Seki sa kama na kanina pa sya hinihintay.

"Ayan, baby.. Drink plenty of water makatulong ito sayo..."
"......" ininom ni Seki ang bigay ng nobyo at hinayaan din na alalayan sya sa paghawak ng baso


"Kumusta ang pakiramdam mo?" alalang tanong ni Kiyota
"Not.. that great... but much better compared last night"


"That's good to hear..." hinaplos ni Kiyota ang buhok ni Seki

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon