CHAPTER 28: MEMORIES

785 33 0
                                    

Bestfriend, Boyfriend and I.
Written by: Cris Morata
No copyright | ARR 2015
(Revised Jan 2020)

Chapter 28: "Memories"

———
Renz's POV

Galit ang namumuo sa puso ko ngayong nalaman ko na ang totoo.

"Nakuha ang bracelet nung maaksidente si Cris. Ibinigay sa akin yon ng mga pulis."

Halos madurog ang puso ko sa sinabing yon ni Aira.

Si Cris... siya ang naging karelasyon noon ni Kuya. Siya ang pumatay kay Kuya!

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Magagawa ko bang paghigantihan ang sarili kong bestfriend?

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gulong-gulo na ang isip ko.

Kinuha kong muli ang litratong binigay ni Kuya sa akin.

Ang bracelet.

"Hanapin mo kung sino ang may hawak nito, kapag nahanap mo siya, ihingi mo ako sa kanya ng tawad." Naaalala ko pa ang mga sinabing yon ni Kuya.

"Nagkasala ako. Pero pinagsisihan ko yun. Renz, alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin. Alam kong ikaw lang..."

Hindi ko man lubusang naunawaan ang mga sinabing yon dati sakin ni Kuya pero naiintindihan ko na ngayon ang lahat.

Ako ang makakatulong dahil kilala ko siya...

Ang bestfriend ko ang salarin pero bakit hindi niya sinabi sa akin na si Cris ang naging karelasyon niya. Naglihim din sa akin si Cris.

Pero hindi dapat ako magalit sa kanya. Alam kong hindi niya gugustuhing patayin ang kapatid kong si Jonas.

Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon. Sana magbalik na ang mga alaala niya.

Bea's POV

Tatlong araw pagkatapos mangyari ang pagkahulog ni Cris sa hagdan ay parang nanibago ako sa mga ikinikilos niya.

Nanumbalik na kaya ang alaala niya? Wala na kaya siyang amnesiya?

Hindi yon maaari dahil malapit na ang araw ng aming kasal. At kapag nangyari yun. Tagumpay lahat ng plano ko.

Nakita kong bumababa ng hagdan si Cris. Hindi ko akalaing ang bilis niyang maka-recover pagkatapos ng aksidente.

"Mahal ko. Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Malapit na malapit na ang kasal natin. Hindi na ako makapaghintay." Napanatag ang loob ko sa binitawan niyang salita.

Lahat ng pag-aalala ko ay nawala. Hindi pa siya bumabalik sa dati.

"Ako din. Sa susunod na araw na ang kasal natin. Walang makakapigil nun." Ngiti lang ang tinugon niya.

"Lalabas lang ako mahal. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin." Pinayagan ko naman siya at tuluyan na siyang nakalabas.

Pagkatapos ng lahat ng ito. Mawawala na kayong lahat sa paningin ko.

Aira's POV

Nagpasiya akong pumunta sa bahay ni Cris. Noong isang araw pa sinabi ni Bea sa akin ang kasalang magaganap. Nabigla ako sa balitang yon.

Iba talaga siya. Lahat kaya niyang gawin para sa inaasam niyang pangarap. Lahat ng hadlang, kaya niyang patumbahin.

Kilalang-kilala ko na si Bea pati na ang mga tinatago niyang sikreto.

Natatanaw ko na sa may di kalayuan ang bahay ni Cris nang biglang may humawak sa braso ko.

Paglingon ko.

"Cris." Gulat kong bigkas.

"Naaalala kita. Ikaw yung sa Ospital dati." Ngiti niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo kasama si Bea?"

"Nasa bahay siya."

Nagdadalawang-isip akong sabihin sa kanya ang nalalaman ko.

"Pumunta ka sa kasal ko." Sambit niya. Tama nga ang balita. Ikakasal na sila ni Bea.

"Oo ba." Sagot ko naman.

May kinuha akong bagay sa bulsa ko. Isusuli ko na sa kanya ang bagay na yon.

Ang bracelet.

"Ibinabalik ko sayo to. Nakita yan nung naaksidente ka." Nakita ko ang pagkabigla ni Cris. Kinuha niya iyon habang nanginginig ang kanyang mga kamay.

Bakit ganun na lamang ang reaksyon niya? Dapat ay wala siyang maalala tungkol dito.

"Cris! Alam na ni Renz ang totoo!" hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi. Kahit wala pa siyang ideya sa mga sinasabi ko.

"Nakita niya 'tong bracelet? Paano?" Nandilat ang mga mata niya.

Tama ang hinala ko. Wala na siyang amnesiya. Nagbalik na ang alaala niya.

"Kailan pa nagbalik ang alaala mo?" Tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Walang dapat makaalam nito."

++ A U T H O R's N O T E ++

For the first time nakaroon ng POV si Aira. Hahaha

HOHOHO! MAY KASALAN KAYANG MAGAGANAP? ABANGAN!

Bestfriend, Boyfriend and I (BOOK 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon