F4 -
BACK TO YOU SERIESChapter 14 :
Episode 1: That's What You Get
Balik sa Restaurant kung saan naiwan si Kavin at sila Lucille.
Lucille: Kita mo na Kavin Sinabi ko na sayo... Tingnan mo hindi ikaw ang pinili niya. Mukang excited siya sa future wife niya at sabi ko sayo eh sana naniwala ka nalang saakin bago ka pa nasaktan ng ganito My dear.
Kavin: Hindi ako naniniwala kita mo naman sinabi niya kanina Tita at papanindigan niya yun!
Lucille: C'mon Kavin oo nga sinabi niya yun pero sino ba kasama niya ngayon? Narinig mo naman diba ayaw niyang maistorbo sila at wag daw sila sundan. So meaning nakapili na siya at hindi ikaw yun my dear kaya itigil mo na ito at tanggapin mo nalang na hangang best friends lang kayo.
Kavin: Tita sa tingin ninyo nanalo na kayo? Sa tingin ninyo dahil dito sa ginawa ninyo matutuwa sa inyo anak ninyo? Kung sabagay wala naman kayong pakielam sa kanila dahil sarili ninyo lang iniisip ninyo at ang kompanya ninyo. Sayang lang Tita kasi tuwang tuwa na si Thyme noong akala niyang tanggap mo na relasyon namin at gumagawa ka na ng paraan para saamin kaso hindi pala. Puro kasinungalingan lang pala.... Tandaan mo Tita kahit gaano mo kami sirain ni Thyme mas lalo kami lalakas at kahit anong magyari paglalaban namin ang Pagmamahalan namin kahit Matanggap mo man ito o hindi.
Tumayo si Kavin at inis na inis ito at sobrang bigat ng nararamdaman pinigilan niya ang umiyak sa harapan nila at nag inexcuse ang sarili niya.
Sinundan naman siya ni Liam at sumunod si Luke sa dalawa.
Lucille: Well I'm sorry about that pasensyahan mo na yun mga bata talaga ngayon hindi alam ang mga sinasabi at ginagawa.
Cecille's Mother: Okay lang pero tuloy pa din naman ang kasal noh?
Cecille's Dad: Mukang seryoso din sila sa isa't isa? sigurado ka Lucille gusto mo pa tuloy ito I mean for your son's sake ayaw ko masaktan ang daughter ko.
Lucille: Don't worry seryoso yan ako na bahala sa kanila at mas lalong magiging close yan at why don't you enroll Cecille sa University na kami ang may ari doon nalang pagpatuloy ni Cecille ang pagaaral niya. Plus mas lalo sila magiging close.
Cecille's Dad: Thats a good idea sige agree ako diyan. Mukang magkakasunod tayo sa mga ganiyang arrangements.
Lucille: Don't worry i'll make the arrangements. Salamat sa cooperation ninyo balitaan ko nalang kayo ilang buwan nalang naman malapit na grumaduate sila.
Cecille's Dad: Okay no problem Lucille. Salamat din for this Dinner.
Lucille: You're welcome and cheers sa new partnership and sa future ng companies natin.
Nag cheers sila at nagpatuloy sa dinner. Habang si Kavin palabas na ng Restaurant pero napigilan siya ni Liam.
Liam: (*Hinawakan siya sa braso.*) Sir Kavin saglit.
Kavin: Aalis na ako Liam wag mo na ako pigilan.
Liam: Pero sir.. Pasensya na hindi ko nasabi ng maaga sa inyo napigilan ako ni Madam eh... at ang dami rin niyan bantay saakin para make sure maging success ito.
Kavin: Liam wala ka kasalanan ginawa mo lang trabaho mo hindi na din alam gagawin ko pero... siguro nga alam na ni Thyme ito dati pa hindi man lang sinabi saakin.... Ang sakit lang sabi niya ako pipiliin niya pero bat yung babae na yun ang hinila niya palabas.
Si Luke naman napatigil lang sa may gild at hinahayaan sila mag usap sila Kavin.
Liam: Sir Kavin nagkamali lang siguro yun si Sir Thyme magkatabi kasi kayo noong babae na yun eh.
BINABASA MO ANG
F4 - Back To You
FanfictionThe famous drama that first sparked everyone to love who you love. Now that this famous drama will have a Thailand Reboot Version with our famous BrightWin but are only best of friends. Yet... what happens if it became a BL story version of the fam...