Noong unang panahon may isang babae na kay ganda.
Nakatira sya sa pusod NG kagubatan.Wala nino man Ang nakakaalam na may nakatira sa kagubatan na Yun sapagkat Ang Sabi Sabi ay may nakatirang halimaw roon . Kaya lahat NG Tao ay takot NG pumunta sa pusod NG kagubatan.
Sa kaharian Naman NG NAVA ay nakatira Ang isang prinsipe na Kay sungit ,madilim at walang kulay Ang kanyang mundo at kinamumuhian nya Ang mundo Ito.
Isang araw ipinatapon Ang prinsipe sa pusod NG kagubatan Sabi NG kanyang ama na.." tutulungan ka nya para bumalik Ang iyong matamis na ngiti at kulayan Ang napakadilim mong mundo."
Nainis Ang prinsipe sa sinabi NG kanyang ama. "Hindi ako sangayon sa sinabi mo ama. Walang nino man Ang makakapagpasaya sa akin sapagkat Ang aking ina lamang Ang makakagawa non. Saad nya at tinalikuran Ang kanyang ama.
Noon Kasi namatay Ang kanyang ina ang pinagbibintangan nya ay Ang mga Tao na nakapalibot sa kanya atang mga Tao sa bayan.. noong namatay aNG kanyang ina ay nagbago narin Ang prinsipe. Mas malapit Kasi Ang prinsipe sa kanyang ina Kaysa sa kanyang ama.
Walang nagawa Ang prinsipe Kaya sinunod na lamang nya Ang sinabi NG kanyang ama.
Pagdating nila sa kagubatan ay iniwan na sya NG kotsero sa gitna NG kagubatan.
Naglakad lakad sya hanggang sa mapagpad sya sa isang talon.Pinagmasdan nya Ang pagbaba NG tubig sa talon..
habang pinagmamasdan nya Ang napakagandang talon ay may nakita sya isang napakagandang babae na masayang nagtatampisaw sa tubig.
Naglakad sya NG kaunti at nagtago sa isang puno na malapit sa dalaga.
Lumapit sya para masilip Ang kagandahan NG dalaga..Pero habang pinagmamasdan nya Ito ay nagulat sya NG biglang magsalita Ang dalaga."ano Ang iyong ginagawa riyan ? " Tanong NG dalaga habang nakatalikod Ito sa kanya.
Nagtaka Ang prinsipe kung bakit Alam NG dalaga na nagtatago sya ,habang di Naman sya nakikita nito.Hindi nakasagot Ang prinsipe sa tanong NG dalaga.
Bahagyang natawa Ang dalaga at humarap Ito sa prinsipe na ikinagulat Naman nito.Hindi nya akalain na isang bulag Ang babaeng NASA harapan nya,maraming tanong sa kanyang isip na gusto nyang itanong sa dalaga ngunit hindi maibuka man Lang Ang kanyang bibig sa pagkagulat.
Paumanhin Kung ika'y aking natakot. Napapaisip ka ata Kung paano ko nalaman na nakatayo ka sa likod NG puno E Isa lamang akong bulag .. Tama ba?
Oo sagot ng prinsipe at tahimik na Lang tumingin sa dalaga.
Ngumiti ito " Alam mo malakas Ang aking pakiramdam at aking pandinig Kaya Ito narin Ang nagsisilbing mata ko..paliwanag NG bulag
Umahon na sa tubig Ang babaeng bulag at huminto Ito sa harap NG prinsepe.
Ako'y nagagalak na makilala Kita Mahal na prinsipe..Saad nya at yumuko NG kaunti .
May magulang kaba?biglang tanong NG prinsipe.. nagulat Naman Ang babaeng bulag sa biglang pagtanong NG prinsipe.
Wala.. maikling sagot NG dalaga at yumuko..
Paumanhin Kung nasambit ko Ang iyong magulang .. pero gusto ko Lang malaman Kung bakit ka narito sa pusod NG kagubatan? Hindi ka ba natatakot na kainin ka NG halimaw na nakatira rito? Tanong NG prinsipe.