Chapter 14: Mama's Right

520 23 0
                                    

Chapter Fourteen.

Clary's POV

Pagkatapos naming Kumain hinatid niya ako agad sa bahay ko.

"So this is goodbye?" Sabi niya.

"Nope, see you soon. Very soon." Sabi ko sabay kindat sa kanya.

"Okay, see you very soon. Goodnight." Sabi niya sabay talikod at lumakad papunta sa car niya.

Malapit na siya sa pintuan pero hinila ko siya at hinalikan sa Pisngi.

"Good night. Ingat ka." Sabi ko sa kanya.

"Good night." Sabi niya sabay pasok sa kotse niya at sinimulan ng paandarin yung kotse niya.

Inintay ko muna siya makalayo sa bahay namin bago ako pumasok sa bahay.

--

Jerk/Jamie's POV

Nagda-drive na ako ngayon pauwi sa Bahay namin.

Di ko makaka limutan tong araw na ito.

Di ko makakalimutan yung pag halik niya sakin kanina Sa Pisngi ko.

Kamusta na kaya yung paa niya?

Sana ok na siya.

Shemay. Kakaalis ko palang sa bahay nila pero parang miss ko na siya agad agad.

Excited na ako bukas para sa plano ko.

--

Clary's POV

Pagpasok ko sa bahay. Kumakain na sila Mama.

Buti nga di sila nagalit kasi sabi ko mag suswimming lang kami. Hehe

Pag kapasok ko sa kwarto. Naligo muna ako at nag bihis.

Habang nanonood ako ng TV. Biglang may kumatok sa pintuan ko.

Si mama.

"Nak, kamusta naman yung swimming niyo?" Sabi niya sabay patay dun sa tv.

Mama naman eh. Ang ganda ng pinapanood ko eh.

"Uhm. Okay lang naman po ma." Sabi ko sabay turo dun sa paa ko.

Wala na siyang bandage pero may pasa.

"Oh. Anong nangyari diyan nak?" Tanong ni mama.

"Uhm. Nahilo po kasi ako tapos nalaglag po ako sa pool. Tumama po to sa sahig nung pool. Pero okay lang naman po ako." Sabi ko.

"Mabuti naman nak kung ganon. Eh nak diba nahilo ka? Paano ka naka ahon sa pool?" Sabi niya sabay hilot dun sa pasa.

"Ouch! Naman ma.. Uhm, actually ma, nahilo at hinimatay daw ako dahil sa sobrang depressed daw ako. Buti na lang po sinagip ako ni Jamie. Kundi po niya ako nasagip baka po...." Natatakot akong sabihin kay mama yung muntik na akong mawala.

"Baka ano, nak?" Sabi ni mama.

"Baka po wala na po ako ngayon ma." Sabi ko sabay yuko.

Bigla namang binitawan ni mama yung paa ko at bigla akong kinabig at niyakap.

Namiss ko si mama. Namiss ko yung yakap niya. Namiss ko siya.

"Salamat naman sa Diyos at ok ka na ngayon." Sabi niya habang nakayakap parin siya sakin.

"Eh nak, sino ba yung Jamie na yun?" Sabi niya sabay kalas sa yakap naming dalawa.

"Ah. Eh. Ma, siya yung sinasabi ko sayo dati na mahal ko at siya yung best friend ko." Sabi ko.

Nung araw kasi na may hinalikan si Jamie na babae.

Umiyak ako buong gabi kay mama.

Nung gabi na yun niya rin nalaman na mahal ko si Jamie. Na mahal ko ang best friend ko.

"ah ganon ba nak? Can I meet him? Magpapa salamat lang ako sa kabutihan niyang ginawa sayo." Sabi niya.

"Di ko lang po alam mama. Pero baka pwede naman. Di ko lang po alam kung kailan." Sabi ko.

Hinihilot pa rin ni mama yung paa ko.

"Uhm. Ma, nililigawan niya rin po ako." Sabi ko. Di ko talaga kayang mag lihim kay mama.

"Ay nak. Di pwede yan ah. Always remember, you are already engaged to william." Mama said.

"Ma, niloloko po ako ni william, nadinig ko po sa call na may boses ng babae. 'Hon' po yung tawagan nila. Tinanong ko po siya kung may babae ba sa bahay namin and.." Naiiyak na naman ako.

"And...?" Mama asked me.

"And yung babae po yung sumagot sa tanong ko. Sabi niya po oo. Kaya nagalit po ako. At pinutol ko na yung relationship namin. Look ma, wala na akong suot na ring." Sabi ko sabay turo sa daliri ko.

"Maybe para sayo nak, tapos na kayo but sa tingin mo ba, para sa kanya tapos na kayo?" Sabi ni mama.

Mama's right.

"Siya naman po ang unang nagloko, siya po ang unang gumive up sa relasyon naming dalawa. Ayoko na ma, ayokong mapag laruan. Ayokong umiyak ulit ng sobrang lakas. Kaya tinapos ko nalang po." Sabi ko. Sabay punas sa luha ko.

"Okay. Pero mahal mo pa ba si William?" Mama asked

"No, ma."

"Eh mahal mo ba si Jamie?" Sabi ni mama.

"Almost. Konti. We're almost there ma." Sabi ko.

"Ok. Always follow your heart pero di dapat kalimutan ang pag gamit sa utak ha. Love is bliss not ignorance." Sabi ni mama sabay halik sa noo ko at lukad na palabas ng kwarto ko.

Mama's right.

Always follow your heart but never forget to use your Brain.

At ang pagmamahal ay dapat sobrang kasiyahan. Hindi kamangmangan.

==========================================================

Hello guys! This is Zirt! The author ❤️

Anong tingin mo sa Chapter 14?

Read

Comment

Vote!!

Thanks! ✖️✖️

Twitter: @AbeZirt

IG: Zirt24

Thanks! 💗‼️

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon