Angelica's Pov
"Hey, are you sure you ok?" Ilang ulit na tanong ni Jaevin sakin.
Papunta na kami sa reception, habang nasa byahe kami hindi ako mapakali dahil sa nakita ko si Aries. Aries..
Nakaramdam ako ulit ng tumulo ang luha ko. Pasimple kong pinahid ang luha ko.
Bakit ngayon pa kita nakita? Bakit ngayon pa tayo nagkita? Bakit ngayon?
"Angelica." Biglang sabi ni Jaevin. Kaya napatingin ako bigla sa kanya.
*Tsup*
"J-jaevin?" Nauutal at gulat kong sabi. Bakit niya ginawa yun? Bakit niya ako hinalikan sa noo?
"You look so worried and pale, are you ok? Are you sick?" Sabi niya habang hawak ang pisnge ko at nakatingin ng diretso sa mata ko.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng saya, at ginhawa sa ginawa niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Ok lang ako, kasi makikita ko na ang best friend ko bukas." Dahilan ko nalang sa kanya.
"Na ganyang kalagayan mo? Napuputla? Ano ba talagaa ng problema mo Angelica?" Nag-alalang tanong niya habang hinahagod ang pisnge ko. Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Wala akong problema, Jaevin." Sabi ko. Ayokong sabihin sayo Jaevin. Hindi pa ito ang tamang oras. Huminga siya ng malalim at hinalikan ulit ang noo ko.
"Fine. If you don't want to tell me, I'll respect that. But if you have any problem, I'm here willing to listen and help you." Sabi niya kaya tumango ako.
Lumayo na siya sakin at umayos ng upo. 'Dun ko lang din napagtanto na andito na kami sa resort nila at nakapark na sa parking lot.
"Halikana bago ba dumating ang bride and groom dapat andun na tayo mag-welcome sa kanila." Sabi niya at inalayan akong lumabas pagkabukas niya ng pinto.
Nasa resort kami, pagmamay-ari ng pamilya Hernandez. Nakapunta na ako dito isang beses nung nagmeeting ang buong board members, owners and stakeholders. Kasama ako kasi secretary ako ni Jaevin.
Kahit saang lakad ni Jaevin pagdating sa work kasama ako. Secretary/Assistant niya ako, dahil mas mabuti na raw na isa lang taohan niya ang kasama niya kesa sa marami baka daw hindi magkakasunod eh siya naman daw ang kawawa kaya iisa nalang daw. Kaya malaki-laki ang sahod ko per month.
Pumasok na kami sa isang room kung saan gaganapin ang reception. Meron ng music at isa sa mga trending na songs this year ang pinapatugtug ng dj. Pumunta na kami ni Jaevin sa table kung saan sa front left side, dahil nandun nakapwesto ang friends ni Kuya Ethan at Ate Kayla. At sa front right side naman ay friends rin nila pero sa hospital daw at sa college.
"ANGEL!" Nangingibabaw na sigaw ni Rose sakin. Sinalubungan niya ako ng yakap.
"Kanina lang kayo nagkita parang ang tagal napahiwalay ah." Asar ni Jacob kay Rose.
"Pake mo ba? Dito ka sa tabi ko umupo Angel." Sabi ni Rose at hinila ako papunta sa inuupoan nila.
"Ang ganda mo talaga Gelica. Di na ako magtataka kung bakit nahulog si Vin sayo." Pambobola ni Mica sakin.
"Di naman siguro, Mica. Wala namang kaattractive sakin eh." Sabi ko. Di talaga ako sanay na pinupuri ako.
"Don't say that, Gelica. You're really pretty, and that's not the real reason why I like you, you have a good heart and a hard working woman. That's what made me fall in love with you." Sabi ni Jaevin sakin sa left side ko. Medyo namula ako sa sinabi niya. Di ko inaasahan na ganun ang sasabihin niya tungkol sakin.
BINABASA MO ANG
The Single Mom And Her Three Boss (Mommy Series #1)
RomanceTitle: The Single Mom and Her Three Boss (Mommy Series #1) Author: A'Jofel Genre: Drama/Romance She is Angelica, a modest girl with huge goals. She is a pregnant woman, yet she is well embraced by everybody around her, particularly those who love he...