Nandito ako ngayon sa school namin, nagppractice kami ng sayaw para sa camping namin bukas, red team ang team ko, nagform kami ng bilog at may isang lalaki na napili para banggitin lahat ng pangalan namin.. siya si Andre Kevin Quizon, sabi nila may gusto daw siya sakin pero hindi ko nalang pinansin.
4 na tao nalang at babanggitin na yung pangalan ko pero tinuro ako ni Sir Romeo (teacher nakasama sa team namin para I-guide kami) tapos lahat sila nag-ayie, kilala daw ba ako ni Andre, sabi niya "Oo, siya si Fritz Cassandra Sanchez" sa isip ko sabi ko "Wow, full name talaga? pwede naman Casey nalang"
Gabi na ngayon at kailangan ko ng ayusin yung gamit ko para bukas, excited na ako woot woot! Isang oras na ang nakalipas, naplantsa ko na lahat ng damit na dadalhin ko, nalagay ko na yung mga sabon,shampoo,toothbrush,toothpaste,etc.,nalagay ko na yung mga pagkain na dadalhin ko sa maleta, kakain na ako ng dinner at pagtapos maghahalfbath ako para bago ako matulog fresh yung feeling ko.. Maaga pa ako gigsising bukas dahil 7:30am ang alis namin.
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
RomanceNaranasan mo na ba na masktan? yung tipong nasaktan ka dahil sa ginawa mong pagkakamali noon? paano nalang kung isang araw magising ka at naramdaman mong mali pala ang iyong nagawa? mas pipiliin mo bang itama ang nagawa mong pagkakamali? o hayaan na...