RS:H 39

3.6K 77 52
                                    

(A/N: Sinong nakanuod nang MV nang Bae Bae & Loser? ♪♬Anung say nyo? Comment nyo bago kayo magbasa. Don't worry.. Rereplyan ko kayuu. ♣)

READ THE AUTHOR'S NOTE IN THE END!! ❤ Thankies.

****

Dara's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nung umalis pa Japan sina Jiyong.

Hindi naman sya nakakalimot na magtext or tumawag sakin kaya napapanatag naman ako.

Ang sabi nya sakin ay nagrerecord na daw sila para sa Japanese Release nila and pagkatapos daw nun ay magkakaron sila nang Concert dun sa iba't ibang domes.

Kami namang girls ay laging tambay dito sa mahiwagang recording studio ni Teddy Oppa.

Nagrerecord na kasi kami para sa comeback album namin. Kaya puspusan ang effort namin.

"Girls, eto yung irerecord natin." Saka inabot samin ni Teddy Oppa ang Obra Maestra nyang bagong kanta. Haha!

"Ugly?" Tanong ko.

Tumango sya kaya binasa na namin ang lyrics.

Wow!! Ang ganda nang lyrics nya. Tagus tagusan talaga.

"And here is the tone of that song." Saka may pinindot si Oppa at nagstart nang magplay sa speaker ang tono nang kanta.

"Wow... Daebak!" Naka thumbs up na sabi ko.

Ang ganda kasi talaga nang lyrics, even the tone of the song. Maraming makaka relate. And aaminin ko, I somehow relate.

"Oh, bat ka naiyak Unnie?"

Nabaling ang tingin ko kay Bommie na kanina pa singhot nang singhot habang binabasa ang lyric sheet.

"Wala... Ang ganda lang ng kanta." Sabi nya habang nagpupunas nang luha.

Emotional talaga yang si Bommie. Di na ako nagtataka!

"Ayos ba?" Tanong ni Oppa samin.

"Neh Oppa. Tingnan mo nga.. Napaiyak mo si Bommie!" Natatawang sabi ni Chae.

Sumangayon naman ako dun. Maganda naman talaga! Genius talaga tong si Teddy Oppa.

"Unnie, tissue oh." Sabay abot ni Minzy kay Bommie nang box.

"Kelan natin to isastart irecord Oppa?" Tanong ni Chaerin.

"For now... Basa basahin nyo muna ang lyrics and tomorrow tayo mag sastart nang pag rerecord." Sagot ni Teddy Oppa samin saka kumalikot ulit sa desktop nya.

"Oppa." Tawag ko.

"Hmm..." Sagot nya kahit hindi inaalis ang tingin sa dekstop nya.

"A-Anong balita sa Bigbang?" Tanong ko.

Umikot ang swiveling chair nya at ngayon ay nakaharap na samin. "Hmm.. Kapag natapos natin ang recording nang tracks nyo for your Comeback album. Bibisitahin ko sila. Sa ngayon, alam ko they're doing well. Don't worry!" Nakangiting sagot ni Oppa sakin.

Napangiti naman ako sa sagot ni Oppa sakin. "Oppa, pag pumunta ka... May ipapasabay sana ko."

"Sure... Tsk, Para kay Ji ba?" Tanong nya.

Marahan naman akong tumango. Late Gift ko ito para sa last monthsary namin. Nakakahiya kasi na wala akong naibigay sa kanya.

"Nireregaluhan mo pa yon. Pasaway naman yon!" Nakangising sabi ni Oppa. "Sure.. Dalin mo na lang dito kapag paalis na ako." Sagot nya saka umikot ulit at kumalikot sa desktop nya.

Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon