Chapter 2
Sobrang bored na bored ako at kailangan kong aliwin ang sarili ko. Kung naroon lang siguro ako sa Manila ay wala na ako sa bahay at nasa galaan na kasama ang mga kaibigan ko.
So I just ate an Ice cream at the counter top. I scrolled through my phone while eating. Maybe social media will lessen my boredom. Pero habang ginagawa 'yon ay nagsisi ako.
Nakita ko lang naman ang mga post ng mga kaibigan ko. I saw the new post of Bella, pinilit kong hindi tingnan 'yon pero hindi ko nagawa. Nalungkot lang ako nang makita 'yon. They're in a club. Sa inis ko ay pinatay ko na lang ang phone at in-off para walang mag notification.
"May problema ba?" boses mula sa likod. Muntik pa ako mahulog sa inuupuang high chair dahil sa pagkagulat. Huminga ako ng malalim at pinilit na kumalma.
"D*mn you! You shocked me."
Wala siyang imik na pumunta sa refrigerator. Nilingon niya ako. "Wala ng ice cream?" tanong niya habang kunot ang noo.
I shrugged and handed him my ice cream. He just rolled his eyes and shook his head at me, then he walked towards the high chair in front of me.
Umismid ako at umirap din. "Ang arte."
Umupo lang siya sa tapat ko at nangalumbaba na pinagmasdan ako. Hindi ko siya pinansin at nag focus nalang sa ice cream ko.
"What's your problem? Is there something bothering you?" tanong niya.
Tinignan ko siya at inilingan. "Nothing naman..."
Kumunot ang noo niya. "Nothing? I'm not buying that," sambit niya. Umirap ako at nag-iwas ng tingin.
Bukas na ang pasukan at hindi pa 'ko handa para do'n. Umalis ako roon at naisipan na umakyat na lang sa room ko. Natigil ako sa paglalakad nang may narinig akong boses sa isang silid. Lalagpasan ko na lang sana 'yon nang bigla kong marinig ang pangalan ko. So I have no choice but to eavesdrop.
"Hindi mo ba naiintindihan?! Importante sa atin 'yon! Importante sa pamilya natin iyon at mas lalo na kay Dad! Kung sa'yo ay okay lang, sa akin hindi!" sigaw ni Tita Cora. Halata ang galit sa boses niya.
"Cora, you don't understand. We can't just use someone for this mess. Mas lalo na ang pamangkin natin! Do you even know what you're saying? Oo mahalaga 'yon, I know that. Ayoko rin naman na mawala 'yon ng tuluyan sa atin. Iyon na lang natitira sa'tin," boses ni Tito Alex.
It's my first time hearing Tito like this, he sounds really frustrated. I have never seen him frustrated like this. He's always calm even when he has a problem, he's just calm. Hindi basta-basta ang problema na 'to. Iyon ang sigurado ako.
"Please, stop. You two. Walang mararating ang sigawan natin dito. Pag planuhan natin ng maayos. Not this," nahihimigan ko sa boses ni Tita Christy ang pangangamba.
"Christy's right. Calm down everyone," Tita Gina said.
"What? Sa ibang paraan? Sige nga, tell me kung anong paraan 'yan," Tita Cora said.
"May naipon akong pera, alam kong hindi sapat 'yon. Pero gagawa ako ng paraan para palakihin. We can just help each other-"
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Christy, even if we help each other, hindi natin kakayanin ang malaking bilyon! Nagigipit na tayo! Paunti-unti na tayong nauubos. Kahit na humingi pa kayo ng tulong sa mga asawa ninyo, o kuhain ko ang iniwan ng asawa ko sa akin, hindi iyon sapat. At hindi rin naman puwede 'yon."
"This is our only problem. Wala na tayong ibang paraan pa. I thought we had already talked about this? Ano na naman 'to?" she continued. She sounded so frustrated.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Sweet Lies
RomanceDisappointing her family is not in Solana Shivani Vanidestine's vocabulary, even if it takes to risk herself, she will do everything. She has a goal and she needs to win his affection. She needs to tame him. She is compelled to take all of those act...