28

56 2 19
                                    

Gago, ano'ng ginagawa ni Renzo dito?!

"K-kuya, ano'ng ginagawa mo dito?" I stuttered because I was shocked.

"Sinusundo ka,"

Sinusundo kita. Sinusundo. Asahan mo, mula ngayon pag-ibig ko'y sa 'yo. Char.

"Huh?! Bukas pa uwi ko!" Sigaw ko habang pabalik ng bahay. "Hera! Buno, let's go na!" Tinawag ko ang dalawa.

"Adi, pasok na daw sabi ni Tita Li—" Napatigil siya sa pagsasalita. "Hi, Kuya Ren!"

Binatukan ko siya habang dala-dala ang scooter ni Hera. "Landi mo." Inirapan ko siya.

Kinuha ni Kuya ang scooter sa kamay ko at nauna siya sa akin pumunta sa bahay. Wow, saulado mo daan, beh? 'Di mo sure kung bahay ba namin 'yan.

"Ano'ng ginagawa n'yan dito?" Tanong ni Ara habang buhat si Buno.

"Ewan, 'di ba sabi ko sa 'yo last day nila ngayon. Pero that doesn't mean na dapat siyang pumunta dito." Sabi ko at pinasok na sina Hera.

Pagkapasok ko ng bahay, magka-usap na si Tito Dale at Kuya. He was just wearing shorts and a shirt. He looked so gwapo talaga kahit ganyan lang ang suot niya. Tumawa siya sa sinabi ni Tito kaya nakita ko ang ngiti niya. He was so dreamy.

"Kuya, these are my cousins. Hera and Buno,"

"Hi, Tuya Wen!" Bati ni Hera. Binuhat siya ni Kuya Ren. "Whoo, so high!"

Sanaol binubuhat.

"Pack your things, I'm taking you home," he smiled at me. Boring rin naman dito kaya umakyat ako at niligpit ang mga gamit ko. Pagkababa ko, nakita kong nasa terrace si Nanay.

"Kuya Ren! I'd like you to meet someone!" Sigaw ko para lumapit siya sa akin. Nag paalam siya kay Tito at lumapit sa akin.

Hinatak ko siya hanggang sa terrace para makita siya ni Nanay.

"Nay, look who's here," tinuro ko si Tuya Wen.

"Sino 'yan, iha?" Tiningnan niyang maigi si Kuya.

"Hello po. I'm Renzo Cabrera po." Nag-mano siya kay Nanay.

"Oh, so you're Renzo! The son of Sally Cabrera?"

Nay, ba't mo sinabi?

"Y-yes. You've heard about me po?" His eyebrows furrowed.

"Ah, oo naman. From Adi."

LUH.

Kuya Ren smirked at me. "Kilala niyo po pala si Mami,"

"Ah, oo. Dati silang napunta rito para kay Marvin. Pasensya na at hindi kita kilala ha, si Raine lang kasi ang nakikita kong kasama niya."

"Ayos lang po, La."

"Nay, we have to go. Dadaan ulit ako dito bago kami umuwi," I kissed her cheek.

Pumunta kami sa dining table kasi mag d-dinner na. Wala si Tatay, nasa Ternate. Andito na si Tita Ria pagkababa namin.

"Oh, hello! Ren, right?" Bati ni Tita Ria nang makita si Kuya,

"Yes po. Hello po," he smiled sweetly at Tita before sitting down beside me.

Nagluto si Tita Li ng bistek at mayroon ding iced tea. Tiningnan ko si Kuya sa unang subo niya para malaman ko kung nasarapan ba siya. Ngumuya siya at para akong tutang naghihintay ng pagkain habang nakatitig sa kaniya.

"Ang sarap po," ngumiti siya kay Tita Li. Nakahinga na ako nang malalim nang magsalita siya.

"Thank you! Favorite 'yan ni Adi na luto," tumawa si Tita Li.

He Was My UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon