Duck Face

51 0 0
                                    


"Hoy okay ka lang Yel?"


Biglang nagulat si Yel nang makita niya ang dalawa niyang kaibigan at classmate na sina Remonette at Myka.


"Hala? Okay lang ako 'no? haha bakit may i-chi-chika ba kayo sa akin?" sabi ni Yel.


"Wala eh, pero may tanong ako..." sabi ni Myka.


"Ano yun?" naguguluhang tanong ni Yel.


"Kumusta na kayo ni Kento?" sumabay si Remonette.


"Hala? Ano ba yan? Tigilan niyo nga ako!" pagka-inis ni Yel.


"Ang KJ naman nito! Magkuwento ka lang naman sa amin kung ano ng status niyo." pangungulit ni Myka.


"Wala akong mai-ku-kuwento kasi nga wala talaga." Sagot ni Yel.


"Don't tell me hindi ka pa nagtatapat sa kanya?"


Tumahimik si Yel.


"Bakit siya ang kailangan mag-confess, eh dapat si Kento ang gagawa nun tutal siya yung lalaki." Sabi ni Myka kay Remonette.


"Eh ang tanong, gusto rin ba siya ni Kento?" tanong naman ni Remonette sabay tumingin siya kay Yel.


"Puwede ba tigilan niyo akong dalawa huh? E-ewan ko sa inyo!" pagka-inis ni Yel.


Biglang dumating si Kento at kaagad tinawag si Yel.


"Yel!!"


"Speaking of the angel ayiee...!" pang-aasar ni Myka.


Pumunta si Kento kay Yel.


"Sorry, kung na-late ako, inayos ko pa kasi bike ko eh hehe." sabi ni Kento.


Inayos ni Yel ang magulong buhok ni Kento.


"Uso mag-suklay" XD


"Haha kahit ganito kagulo buhok ko, gwapo pa rin ako." Sabay lumapit sa mukha ni Yel.


"Bu-bumalik ka na nga sa upuan mo!! Panget ka pa rin!" sabi ni Yel.


Nang matapos ang kanilang klase...


"Yel, tara kain tayo sa labas nagugutom na ako eh." pag-anyaya ni Kento kay Yel.


"Uhm..." biglang tumunog ang phone ni Yel.


"bukas uwi ko dyan sa Pilipinas, I miss you! Eru-chan, sunduin mo ako huh? See you ^^"


"Ha? Naku Kento gome ne pero ikaw na muna mag-isa kailangan ko nang umuwi agad eh." sabi ni Yel


"Bakit nag-text ba boyfriend mo?" masungit na pagka-sabi ni Kento.


"Sira! Wala akong boyfriend! Yung kaibigan ko kasi uuwi na dito bukas eh, nagpapasundo." paliwanag ni Yel.


"Ayos huh? Parang gusto mo talaga siyang sunduin eh no?" pagka-inis ni Kento.


"Ano ka ba? Iniisip mo bang lalaki ito? Babae siya oh... babae!!" sabi ni Yel habang pinakikita niya ang picture ng kanyang kaibigan sa phone kay Kento. "oh sige na bye!" umalis na agad si Yel.


"Kainis naman yung kaibigan niya! Bad timing!" pagka-inis ni Kento.



[Sa Airport...]


Habang si Yel ay naghihintay sa kanyang kaibigan, ay nakita niya ang mga babaeng nagsisigawan na may mga dalang streamers at banners na parang may hinihintay din.


"OMG FUMA!! AKO NA LANG LIGAWAN MO!!"


"FUMA, BUNTIS AKO IKAW ANG AMA!"


"FUMA, ANG HOT MO! I LOVE YOU!!"


sigaw ng mga babaeng fans ni Fuma.


ang iingay naman nila! Masakit sa tainga.


Sabi ni Yel sa isip niya at sumunod nun ay paparating na ang member ng Hot Zone na si Kikuchi Fuma.


"Bakit hindi ko makita ang kagwapuhan niya? Saan banda?" sabi ni Yel.


"Hoy ate! Umayos ka sa pananalita mo huh?!" masungit na pagka-sabi ng isang babae.


"Ay sorry, eh kasi hindi ko lubusang maisip bakit niyo siya nagustuhan, eh parang hindi naman gwapo." komento ulit ni Yel.


"Ano bang paki-alam mo?!" sagot ng babae.


"Ah, Erean dito!" tawag ni Yel sa kaibigan niya at kumakaway ito.


"Omo! Eru!"


Si Erean ay galling sa South Korea, doon kasi siya nagtapos ng kolehiyo at dahil nga doon, ay marunong ito mag-salita ng Korean language, nakaka-intindi din naman siya ng Japanese pero basic pa lang ang alam niya. Siya ay 20 taong gulang na at mas matanda kay Yel pero hindi naman tinatawag ni Yel na "ate" si Erean, mas kumportable kasi siya na tawagin sa pangalan nito kahit na alam niyang mas bata siya.


"Erean long time no see!" pag-lapit ni Yel sa kanya, at hindi inaasahang nabunggo niya...


SI FUMA!









(author's note: *inhale... exhale* eto ang kaunahang story na inilagay ko sa wattpad though may mga naunang story ako na hindi ko naman nailagay dito dahil hahaha well parang pambata lang siya XD hehehehe di ko alam kung magugustuhan niyo... pero sana hehehe /kabado/ anyway... Eru !! @fumayu @arisuken eto na yung story mo sana magustuhan mo rin ^^)

Like?  or  Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon