Una sa lahat, gusto ko malaman nyo na hindi ako sawi sa pag-ibig..
hindi ako talunan..
alam nyo kung bakit?
kasi..
marunong akong MAG MOVE ON! :)
—
hindi kwento ang entry kong ito.. pero sure akong makakatulong ako sa inyo, lalo na sa mga sawi.. specially sa katulad kong BABAE! :)
-
may 5 bagay na dapat isaisip sa pag mumove on..
UNA- Piliting maging matapang..
(hindi literal na kailangan mong magpakain sa buwaya para mapatunayang matapang ka.. kailangan mo lang ipakita sa ex mo na kaya mong mabuhay ng wala sya.. kailangan mo ding ipakita sa kanya na kaya mong maging masaya kahit wala na sya. dapat marunong ka ding magtaas ng kilay na tila ba ikaw si donya esmeralda. kailangan mo ding maging isang parang bato, na walang nararamdaman at piniling maging manhid na lang. Kung isang araw ay makasalubong mo si ex na tila ba ipinagmamalaki sayo ang bagong babaeng kasama nya, ganito ang gawin mo. Wag na wag kang magsasalita, bagkus tumingin ka sa kanila ng parang wala lang.. sabay ngiti kay ex na para bang sinsabi mo sa mga mata mo na "kahit sino pang babae ang makita kong kasama mo, wala akong pakialam sa inyo" hahaha. kung magbibigay ka kasi ng kakaibang reaksyon mas gaganahan pa si ex na magmayabang sayo. kasi kung makikita nyang wala ka na ngang nararamdaman sa kanya, magsasawa yan kahahanap ng iba at marerealize nya na ikaw pala talaga ang mahal nya, at pag dumating ang araw na yon.. magsosorry ka na lang sa kanya, at bigla ka na lang mapapasabi na "sorry, naka MOVE ON na kasi ako" at sa part na yon.. panalo ka! :)
PANGALAWA- Dapat maging tapat sa nararamdaman
(Natural na dapat maging tapat ka sa nararamdaman mo, lalo na sa sarili mo.. walang makakintindi sayo kung ikaw mismo ay hindi naiintindihan ang sarili mo.. Alam kong mahal mo pa ang ex mo, dahil ang pag-ibig di naman parang cellphone na pag iniwan sa upuan na basta basta na lang mawawala pag iniwanan.. Pero kung matututunan mong alamin ang kahinaan mo, maiintindihan mo ang nararamdaman mo.. Ang galit na nararamdaman mo sa ex mo ay parang galit ni magellan kay lapu-lapu. kailangang magkapatayan para malaman kung sino ang matatag. Aminin mo sa sarili mo na mahal mo pa sya, aminin mo na hindi mo kayang mawala sya sayo. Pero kailangan mong turuan ang sarili mo na tanggapin ang mga bagay bagay na pag natanggap mo ay makakatulong sayo sa paggaan ng kalooban mo. Kung dumating ang araw na tanungin ka ni ex kung mahal mo pa sya at kung pwedeng kayo na lang ulit.. isa lang ang sagot dyan " Oo mahal pa kita, pero ngayon ay ex na kita. Di ako marunong sumimot ng basura sa kanal na madumi na. Dahil minsan na kitang inalagaan pero mas pinili mong sumama sa magbabasura.)
PANGATLO-Huwag pigilan ang sarili
(Wag mong pigilan ang sarili mo sa mga bagay na magpapasaya sayo.. Sumama ka sa mga tunay at tapat mong kaibigan, makakatulong sila sayo na makalimutan ang ex mo. May mga kaibigan ka na bago pa maging kayo ng ex mo, nakalimutan mo lang sila dahil napabaling ang atensyon mo sa ex mo. Pero kahit ganon nandyan parin sila para sayo, ilabas mo sa knila lahat ng nararamdaman mo. Wag mong pigilin ang pagluha mo kasi makakasama yun sayo. Ibuhos mo ang luha mo para kay ex hanggang may mailalabas mo hanggang sa huling patak.. at sgurado ako sayo na ang sunod na pagluha mo ay luha na ng kaligayahan pag dating ng taong tunay na magmamahal sayo)
PANG-APAT- Wag mawalan ng pag-asa
(Hindi mo kailangang mawalan ng pag-asa para sa walang kwentang tao na yun. Ang isipin mo ay pagsubok lang to, siguro ay natutunan mo sa kanya kung ano ang pagmamahal pero hindi nya naituro kung paano.. At maniwala ka na may tamang tao para sayo, wag kang mawalan ng pag-asa, dahil madaming lalaking dadaan sa buhay mo bago mo makilala ang lalaking makakasama mo sa pagtanda mo. Tandaan mo ang pag-ibig ay makapangyarihan basta maniwala ka lang)
PANG-LIMA- Matutong maging masaya
(Sa lahat ng pagkabigo mo sa buhay, dapat kang maging masaya dahil kahit na anong pagsubok yan ay kayang mong lagpasan basta nakahawak ka sa kamay ng dyos. Ang pag-ibig ay kusang dumadating.. hindi yan hinahanap dahil baka sa kahahanap mo ay hindi pala para sayo ang matagpuan mo.. masasaktan ka lang kung ganon. Ang ex ay mga maling tao na natagpuan natin, pero parte sila ng pag mature natin pagdating sa pag-ibig. sa bawat relasyon ay may natututunan tayo, at ang pinakamahalaga maghiwalay man kayo ng ex mo ay malinis ang konsensya mo na naging tapat ka sa kanya at hindi mo sya niloko)
Sana may kahit konting napulot ka sa mga sinabi ko. At kung wala magpakita ka sakin ang may umbag ka! haha. para sa mga broken hearted at sa may mga love problems. comment here at gagawin ko po lahat maibigay lang sa inyo ang mga payo na kahit minsan hindi nyo maririnig sa