F4 - SECRET STORIES COLLECTION - ONE SHOT STORY
Thyme's Secret Story:
Living Life Without Him
Minsan kailangan natin mag sakripisyo at mag tiis para lang sa kapakanan ng mga tao na importante at mahal natin. Kahit na hindi na tayo nagiging masaya sa mga nagyayari saatin. Iniisip nalang natin na kailangan natin ito gawin para sa kanila, para maging masaya sila at hindi na mamoroblema.
Kaso ang kapalit ng kapayapaan nila ay ang lahat ng kung anong meron tayo. Pero kahit na ganun ang kabayaran matapos lang lahat ng problema at gulo... para wala na iba pang madamay... wala nang ibang masaktan... Kahit na hindi mo gusto ang nagawa mo para sa pinaka mamahal mong tao...
Kailangan mo ito pag sisihan buong buhay mo... nagusto mo nalang kalimutan kaso hindi mo magawa dahil lagi mo siyang naaalala at hindi mawala sa isipan mo ang pag mamahalan ninyong dalawa...
Kahit unti unti ka na nababaliw at uhaw na makita siya muli... umaasa ka sa maliit na chance na magyari yun... pero bawat araw na dumadaan mas lalong lumalabo ang lahat... at bumabalik ka sa taong pinangako mong hindi mo na muling ibabalik...
Thyme: Kung ito lang ang paraan... gagawin ko na ang lahat para matapos na ito, kahit ikamatay ko pa... sana lang mapatawad ako ng Kavin sa huli... mamatay akong masaya.
- Thyme's Secret Story
Sa Private Jet papunta sa UK ang paguusap nila Leo at Thyme.
Thyme: Okay sige pagbibigyan kita pero dapat maging maayos lahat ng sasabihin mo saakin at magugustohan ko ito. Malaking sakripisyo na itong ginawa ko para sa iisang taong mahal ko nainiwanan ko... Nagsinungaling ako... at wala man lang paalam o kahit ano.... sinaktan ko nanaman siya kahit pangako ko na hindi ko na ulet gagawin sa kanya yun.
Leo: Thyme malakas si Kavin at maiintindihan niya naman ang lahat ng ito pag sinabi na sa kanya ni Liam at wag ka mag alala kahit ano magyari alam ko na mamahalin ka parin non.
Thyme: Sana nga Leo.... ayaw ko siya mawala saakin o mapunta siya sa iba.... Siya lang ang gusto ko pakasalan.
Leo: Wag ka mag alala Thyme unting tiis nalang maayos na din ang lahat at magkakabalikan na ulet kayo ni Kavin pero sa ngayon mag focus muna tayo sa nahaharap. Sa malaking pagbabago ng buhay mo simula nang makarating ka sa UK.
Thyme: O sige na... Paano ba ang magyayari...
Leo: Hindi ito magiging madali ito pero... kailangan mo lang ako pagkatiwalaan mas magiging malinaw lahat ito pag dating natin doon
Thyme: Leo malaki na sinugal ko at ano pa ba ang choice ko kung hindi maniwala sa kung ano man ang planong naisip ninyo. Alam ko na si Mama ang may pakana nito. Ang gusto ko malaman kung ano ba talaga nag yayari?
Leo: Ang totoo kasi Thyme lumabas na ang balita tungkol sa tatay mo...
Nabigla si Thyme agad niya nahawakan si Leo sa kwelyo ng kanyang damit.
Thyme: Ano nagyari kay papa!?! diba magiging okay naman daw siya? sabi ni mama magiging okay siya!
Leo: Kumalma ka Thyme... at pakiggan mo muna ako.
Dahan dahan binitawan ni Thyme si Leo at umupo ito ng maayos at pinakiggan niya ang sasabihin ni Leo.
Leo: Walang may gusto sa nagyari pero... wala na si Mr. Markus Siriwat Thyme... lahat ng possible treatments ay ginawa na nila. Pero hindi na kinaya ng kanyang katawan--
Thyme: Tama na! Nangako siya hindi niya kami iiwan... at babalikan niya kami at muli kami mabubuo... gusto ko pa naman pakilala sa kanya si Kavin... at sana balang araw... makita ko siya sa kasal namin... (*Napatulo ang luha niya.*)
YOU ARE READING
Secret Untold Stories - F4 Back To You Series
FanficSecret Stories that aren't told in the Main Series, stories that change the perspective of each character. Get to know what else happened and what are the secrets that we yet need to find out. 🙈 ©HydrangeaStories