Kabanata 5

107 8 0
                                    

Cards.

"Bakit ka nag-HUMMS?" Tanong ni Gabriella habang binabasa ang sinusulat kong essay.

Napairap ako bago bumuntong-hininga. Inis kong itinapon sa lamesa ang G-tech ballpen ko saka humalukipkip.

"That's the only available strand when I enrolled. You know ba I hate essays! Mas okay na ako sa Math 'no," sabi ko.

"Nako! Rekla-reklamo pero nasa honor naman," singit ni Charlynn.

Inirapan ko siya. Mula nang maging magkaibigan kami, hindi na kami naghihiwalay bukod na lang sa school dahil hindi kami magka-klase. Magkalapit lang naman ang classroom namin at minsan naghihintayan kami. The students nga were shocked when they saw us three together.

"Sumasakit ang ulo ko kapag naso-sobrahan sa aral. I need to shop things," sabi ko.

"O sige. Lumuwas ka ng Maynila para makapagmall ka," sabi ni Gabriella.

Ang sabi nila, eight hours ang byahe pa-Manila thru land. Ayos lang naman sana iyon para sa akin kaso wala akong sasakyan.. I am still a minor. I may know how to drive but it's illegal.

"Magpatayo ka na lang ng mall dito tutal mayaman ka naman," sabi ni Charlynn.

Inirapan ko siya. Pwede namang magshop ako online pero hindi ko kasi kayang maghintay nang matagal kapag may binibili.

"Bakit hindi ka nagpatayo rito? Mayaman naman din kayo. Pag-aari niyo rin yata ang kalahati ng Pontevedra," sabi ko kay Charlynn.

"Pwede naman kaso hindi naman ako mahilig magwaldas ng pera. Hindi mo ako kagaya," pairap na sabi nito.

Sinimangutan ko siya. Magkaibigan naman na kami ni Cha pero hindi pa rin talaga nawawala sa aming dalawa ang magbangayan. Sinasaway pa nga kami ni Gabriella minsan, pero mukhang nasasanay na ngayon kaya hinahayaan na kami.

"Kawawa ang mapapang-asawa mo. Mahilig ka magwaldas ng pera," sabi ni Cha.

Natawa ako. Oo, talaga! Kawawa ang kapatid mo kaya ngayon pa lang isampal mo na sa kaniya na tigilan na ang kahibangan nila ni Daddy.

"Need ko sigurong dumikit kay Gabriella para matutong magtipid," wala sa sariling sabi ko.

Mahinang natawa ang mahinhin na si Gabriella sa sinabi ko. Isa-isa niyang inilapag ang pinadalang pagkain ng kaniyang Mama para sa amin.

"Nako, tama ka. Alam mo noong highschool kami, twenty pesos lang ang baon ni Gab tapos pag-uwi niya may tira pa siyang fifteen pesos," sabi ni Charlynn.

Nagulat ako sa sinabi niya. Highschool? Anong nabibili niya sa five pesos? I mean, hindi ko kaya iyon. Libo-libo ang allowance ko per day, kulang pa sa akin.

"Nagbabaon naman kasi ako ng pagkain," paliwanag ni Gabriella.

"E para saan ang five pesos?" Tanong ko.

"Nagre-refill ako ng mineral water sa office. Malakas kasi ako sa water e," sagot niya.

"I prefer coffee over water," sagot ko.

"Same! Ang sarap kaya magkape," tumatawang sabi ni Charlynn.

"Diba? Alam mo iyong coffee shop ni Ate Helga malapit sa school?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo, ang sarap ng kape roon."

Malakas akong tumili sa sinabi ni Charlynn. Naghigh five pa kaming dalawa bago tumawa. May napagkasunduan kami ngayon...

"Si Gab, hindi nagcocoffee. Nagkaka-LBM siya roon," sabi ni Cha.

Nagulat ako roon at ngumiwi kay Gabriella. "Kawawa ka naman."

Why Do You Love Me (Pontevedra Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon