Nakapaligid ay halos puro mga berde.
Berdeng mga tanim. Sa kada paglingon, mga puno'y sumasayaw kasama ang mga hangin. Ilang taon na ang nakalipas, hinahanap ko pa din nila si Alaska. Tumira sila sa bukid at namamahinga dahil sa siyudad, parati silang walang kalinga.Napagdesisyonan ni East na itigil muna kasi wala si Alaska. Itigil ang pagkuha ng hustisya dahil hinahanap nila si Alaska. Iyan muna ang plano, ang hanapin ang kapatid niya.
Nawala din si Lyle pero wala na silang pake dahil wala naman siyang ambag. Iyan ang nasa isip ni Josh. Hindi makapaniwala pero iyan din ang nasa isip ni East. Minahal niya lang si Alaska, pero napansin ni East, tumatagal ay iba na ang pakikitungo ni Lyle sa kapatid niyang si Alaska nung wala pang gulo. Para bang biglang nagbago si Lyle.
Nakasakay sa isang kurmata dahil sa putik kahit motorsiklo ay mahihirapan. Tanging ang kalabaw lang ang susi para makapunta sa sentro ng Dafucon.
(Ang Dafucon ay isang lugar na inimbento ko lamang)
"Salamat" pasalamat ni East sa may-ari ng kalabaw. Minsan napaisip si East na sana siya ay isang ordinaryong mambubukid at nagsasaka. Napaisip naman si Josh na sana umunlad ang kabuhayan ng mga magsasakang naghihirap para may itulong sa ekonomiya.
Ang kabuhayan nila noon at ngayon ay ibang-iba. Nasa tabi niya si Josh at ito ay tahimik na tahimik. Biglang nag-iba si Josh dahil sa nangyari sa kanyang pamilya, ang tanging lola niyang namatay dahil din sa giyera.
Pagkatapos nilang inilibing si Cueva, napagdesisyonan nilang dalawa na umuwi muna sa bahay kung saan nakatira ang lola ni Josh. Habang naglalakad, nakatitig si Josh sa bahay ng mga Lutchia at bahay ng mga Cartagenas. PInapangakong kukunin niya ang hustisya para sa kanila.
Natigil si Josh sa paglakad dahil natapakan niya ang isang patay na palaka.
"Death is normal" malamig na saad ni East habang silang dalawa ang nakatitig sa patay na hayop. It is normal to shut down. If it's your time, you can't skip it. You can't escape it."
Sinuntok ni Josh si East dahil sa hindi siya sang-ayon sa sinabi ni East. Sa ikalawang suntok ay nakaiwas si East sa kamao ni Josh at biglag itinulak si Josh dahilan na natumba ito.
"Cueva's death isn't normal. She was killed, East! SHE WAS KILLED!" He shouted at the top of his lungs and cry. Hindi niya matanggap na namatay ang isang bata dahil lang sa wala. Hindi niya kayang matanggap na wala siya doon para protektahan si Cueva.
"It's not her fault" mahinang sabi niya habang umiiyak.
Niyakap ni East si Josh. Kahit si East ay napamahal na kay Cueva. Itinuring nila si Cueva na nakakabatang kapatid. Bilang kuya, sinisisi nila ang kanilang mga sarili dahil sa kamatayan ni Cueva.
Nakatitig si East sa patay na hayop at biglang naiusal ang, "Let the dead burry their own death"
...
Nasa harap sila sa bahay ng donya. Ikinagulat nilang madaming tao at madaming mga ilaw. Isang kabaong ang nakaharap sa bisig ni Josh.
"Joseluis"
"Si Josh"
"Namatay si Donya, sinugod kami ng mga El Capone noong nagkagulo ang Plaridel.."
Hindi na narinig ang sinabi ng babae sa kanya dahil sa gulat. Napapikit nalang si East dahil sa mga pangyayari. Napaluhod si Josh, siya ay nanghihina.
"AAAHH! BAKIT!? Por qué me ha occurrido esto a mi?!"
....
Sumasakay sa sasakyang dalawang gulong papuntang lungsod para bisitahin ang bahay na pinag-aari ni Alaska at kung saan inilibing ang pinakamamahal nilang si Cueva. Habang sinindihan ang puntod ni Cueva, naisambit ni Josh ang organisasyon na kung saan pumatay sa kanyang lola. "El Capone"

YOU ARE READING
Forced
RandomFinding justice for an important person in her life. Finding someone that she knows will be the key to everything she endured.