Chapter 25

732 34 1
                                    

Carmella Pov

Pagpasok ni Sir Alex ay naging dahilan ng pagtahimik naming lahat, paano ba naman kasi mukha syang nagmamadali sa pagpunta...... Baka nalaman nya yung nangyari kanina?? Nako patay talaga kami pag nagkataon. Tahimik naming sinusundan ng tingin si Sir papunta sa gitna at hinintay syang magsalita, sana hindi sermon

"Okay Class, may good news and also bad news ako sa inyo" Pagbasag ni Sir sa katahimikan pero hindi pa man nasasabi kung ano ang news kemene na yon ay nagsimula ng nagkagulo ang mga kumag na toh kaya naman napabuntong hininga nalang si Sir Alex bago nya ilapag yung gamit nya sa table.

"The good news is may festival na gaganapin dito and since maraming bibisitang sikat na school ay aabutin ng 10 days ang kaganapan" Pagpapaliwanag ni Sir na syang nagpasaya sa akin, syempre excited ako kasi may festival agad pero nawala agad yung ngite ko dahil sa komento ng mga kumag ay nakakabadtrip!

"YOOOON WALANG PASOK!!" excited na sigaw ni Liam habang hinahampas nya yung arm chair, nako kawawang arm chair

"Naks free time" May ngiteng sabi ni Mike

"Finally" natatawang sabi ni Kris

Bakit ang saya naman nila pero ganon yung rason?? Ayaw ba nila sa ganong events?? Ang weird talaga nila minsan

"Kaso kailangan magparticipate ng Section C this time, suggest yon ng dean mismo at mga officers ng paaralan na toh, parti din ang ibang teacher ay pumayag---" Bago pa man matapos ni sir yung kanyang sasabihin ay nagsimula ng mag reklamo ang mga ugok na toh, habang sila Ace at Lucas ay tahimik lang na nanonood at base sa kanilang expression ay inaasahan na nila itong pangyayari na nangyayari ngayon.

"Ano ba yan Sir" Reklamo ni Mike

"Wala ayaw namin sumali, mas maganda pang gumawa ng gulo kaysa sumali dyan" Natatawa namang sabi ni Kris

"Himala pinasali tayo??" Gulat na tanong ni Liam

Marami pa ang nagreklamo kaya naman ay napabuntong hininga nalang si Sir habang nagsusulat ng kung ano sa board

" Yess" Bulong ko habang nakangite, kasi excited na talaga ako para sa event tsaka kalat na sa ibang school na mahilig sa event ang school na toh kaya naman ay hindi na toh nakakagulat pero para sa akin ay medyo lang

"So ang magiging mangyayari ay parang camping lang basta dito kayo matutulog pero uuwi din kayo ng bahay para maligo o pag emergency" Panimulang paliwanag ni Sir at mukha namang ako lang yung nakikinig sa kanya

"Sa unang araw ay walang gagawin kundi ang mag ready pero may parada na magaganap, sa pangalawa at pangatlo ay sports day and Basketball ang Volleyball at ang magiging kalaban ay ang kabilang school, sa pang apat hagang pang lima na araw naman ay free day at kailangan may booth doon at per SECTION YON!" Dagdag na salita ni Sir, grabe naman sa pagsabi nya na per section yon parang gusto nya pa isigaw sa mic kaya naman napakamot yung iba sa ulo nila hahaha nayayamot na ata sila at mukhang ayaw nilang sumama

"Pang anim at pang pito ay practice para sa gaganapin na contest sa pang pito na araw ng event, ang contest ay may kailangang sundin sa pag p-perform at ang mga may mataas na pwesto lang ang pwedeng mamili sa i-p-perform ng mga students PER SECTION yon ahh, bawal na din doon ang pagkanta at pagsayaw" Pagpapaliwanag ni Sir Alex, grabe ahh nakaka excite kasi challenging pero parang gusto ko nalang umatras at huwag dumalo sa araw na iyon

"Ang pangwalo at pang siyam naman ay pahingahan day which means booth day again" Dagdag pa ni Sir bago sya uuminom ng tubig at pinagpatuloy ang pagpapaliwanag

"At ang pang sampu naman ay isang ball, welcome party na din daw iyon pero may pipiliin na mananalo doon bilang bagong muse at escort sa buong school" Masayang sabi ni Sir na nagpasimangot sa aming lahat, well sila kanina pa nakasimangot

"Okay that's all for today and also prepare yourself tomorrow dahil magkakaroon ng meeting" Huling sabi ni Sir Alex bago sya umalis, ng makaalis na si Sir ay nagsimula nanamang magreklamo ang iba kesyo daw nakakapagod kaya naman napabuntong hininga nalang ako

"Oi Ace magsalita ka naman dyan" Bakas ang inis sa boses ni Hunter na mukhang problemadong problemado pa

"Wala na tayong magagawa alam nyo naman ang dean ng school na toh, mas baliw pa sa baliw" Rinig naming bulong ni Cayden kaya napatingin kami kayla Lucas, tumango tango naman si Lucas bago sya lumapit sa board

"Wag kayong tumingin sa akin, wala na tayong magagawa" Sabi naman ni Ace nung tumingin ang iba sa kanya kaya naman ay napa yes ako sa utak ko

"Paano naman yung booth??" Tanong ni Liam, oo nga noh?

"Oo nga, tapos paano naman yung contest??" Dagdag na tanong pa ni Hunter

"Tapos yung kaechosan na isa?" Parang bakla naman na tanong ni Ryan

"You guys know na wala na tayong choice na tumanggi, buti pa nga at pinasama pa tayo eh" Sabi naman ni Luke, finally makakapunta ako sa event!!

"Tama na nga yan, walang mangyayari pag nagtalo talo lang kayo dyan" Agad namang umawat si Cayden sa pagitan nila Luke at Ryan na masamang nakatingin sa isa't isa pero lahat kami ay nagitla ng biglang may humampas ng table, si Lucas lang pala

"Ano yan?? Alam naman nating malaki ang room pero bakit may isang special? May harang pa" Reklamo ni Liam, sinulat kasi ni Lucas yung arrangement and yeah may isang private area nga sa gilid

"Tanga kay Carl yan" Pagsagot naman ni David bago batukan si Liam, salamat sa pagsabi sa kanya pero HINDI NGA PO CARL PANGALAN KO. Tumagal pa kami sa loob ng room bago kami umuwi, excited na akong magpaalam kaya naman pagtapak ko palang sa bahay ay dumeretso na ako kay Kuya Sevy bago magpaalam

The only girl in Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon