Para na akong tanga rito sa loob ng CR ni Vale. Actually nakabalik na siya galing sa pagbili ng kaartehan ko. Nahihiya lang akong lumabas. Pakiramdam ko kasi wala akong mukhang ihaharap sa kanya.Iniisip ko rin kung anong itsura ng cashier noong bumili siya ng baby bottle. Baka isipin na batang ama siya... pero mukha naman siyang nasa early 20s kaya baka wala naman sinabi.
Pero paano kung tinanong siya kung gaano kalaki ang gagamit ng baby bottle? Isasagot niya kaya na isang lagpas bente anyos ang gagamit?
Shuta!
Tumungo ako sa labado at naghilamos. Napatitig pa ako sa sariling mukha. Tambok ng pisngi ko kaya lagi akong pinangigigilan ni Iris. Mukha na nga akong siopao 'tapos gasul 'yong katawan. Why naman ganito?
Sa lahat talaga ng coping mechanism, 'yung paglamon pa ang nagawa ko.
Ilang segundo pa akong nagtagal sa CR. Tinatansya ko pa kasi kung gaano na kakapal ang mukha ko para harapin si Vale.
Nang lumakas na ang loob ko para kausapin siya ay lumabas na ako. Dahan-dahan ang ginawa kong pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang kwarto. Hinanap ng aking mata ang taong 'yon pero wala siya sa sala.
"Meow..."
"Ah! Juskolored!" napahiyaw ako sa sobrang gulat. Agad din akong natigilan nang mapagtantong ang lakas pala ng boses ko. Nanlalaking mata kong tinakpan ang bibig sa kahihiyan na naman. Bumaba ang tingin ko sa kung sinong umingaw.
I saw a pussy... cat!
Nakahiga siya sa lapag at nakadaop ang mga kamay. Base sa itsura nito ay puspin ito. Base rin sa laki niya ay nasa tingin kong lagpas isang taon na siya. Parang nagningning ang mata ko sa kakyutan! Nakasuot pa siya ng damit pang pet.
Puti at itim ang kanyang kulay. Ang buntot ay purong itim habang ang katawan ay purong puti. Ang kanyang mukha ay naghahalo ang kulay ng itim at puti. Ang puti ay hanggang sa ilalim ng mata habang ang itim ay nagsimula sa mata paakyat sa likod ng kanyang ulo. Pati ang tainga ay itim na parang ginawang maskara. Napansin ko rin ang napakagandang pagguhit sa kanyang sentido. May itim din pala siya sa kanyang kaliwang paa.
"Hello! Spspspsps!" naaliw kong tawag sa pusa. Umingaw ito at nag-inat ng katawan. Lumapit ito sa paanan ko at kiniskis ang ulo. "Hala! Favorite mo na ako?"
Kukuhain ko sana ito nang tumakbo ito kaya hinabol ko.
"Arf! Arf!"
Ay, pota! May aso! Ang laking aso!
Dahil sa malaking aso ay napatakbo ako sa isang kwarto kung nasaan si Vale. Nagulat siya sa pagdating ko at sa humahabol sa 'kin. Kaagad akong pumunta sa likod niya at halos hatakin siya kung saan para lang 'di makagat ng aso.
"Sunday! Stop!" saway ni Vale sa malaking Alaskan Malamute. "Sunday, sit!"
Sumunod ang aso o si 'Sunday'
Lumingon sa 'kin si Vale at marahang tinanggal ang kamay ko sa t-shirt niya. Nahimasmasan naman ako at napatikhim. Ngumiti ako ng alanganin sa kanya at inalis ang kamay ko.
"Sorry..."
"It's okay. You must be shocked, Real. Don't worry he doesn't bite."
Nagawi ang tingin ko kay Sunday na ngayon ay nakaupo na. Nakalabas ang dila nito at parang kinikilala pa ako base sa kanyang mukha. Pumasok naman ang pusa na nakita ko kanina. Tumungo ito sa paanan ni Vale at kiniskis ang ulo sa paa nito. Kinuha naman ni Vale ang pusa at parang bata na binuhat.
"He's Luffy and he's Sunday. My pets."
Oh, pets.
Hi! I'm Real, willing maging pig pet mo.
BINABASA MO ANG
Stream for Love (R-18)
RomanceReal Rivera is a plus size woman. A short legged woman. Mataba at maliit na tao, in short, gasul. That's what she called on herself. With a 5'2 height, 74 kilos, 35 cm bust, 30 cm waist and 25 cm on each legs size. 3 soft belly roll. Other than that...