Naupo muna ako sa isang bakanteng upuan malapit sa tindahang kung saan namimili si Felix.
Nakaramdam ako ng ngalay. Atsaka wala naman siyang angal kung maupo lang ang gawin ko.
"Take this."
Isang bote ng tubig ang biglang sumulpot sa paningin ko. Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko si Felix, nakatayo hawak ang bote ng tubig at hinihintay na abutin ko ang hawak n'yang tubig.
Tumighim ako. "S-salamat." Mahinang sambit matapos abutin ang tubig.
Mayroon din palang kabaitan sa katawan niya kahit papaano. Hindi pa rin kami okay. Hindi naman talaga kami okay sa una pa lang.
Iba ngayon, galit siya sa 'kin at kasalanan ko naman. Hindi ko alam kung paano hihingi ng sorry.
Lumagok ako ng tubig atsaka tumayo. Lumipat ng kabilang tindahan si Felix.
"Ale, how much?" tanong ni Felix sa tindera habang ang hintuturo ay nakaturo sa tumpok ng avocado.
"250, hijo."
Lumapit ako kay Felix ng marinig ko ang presyo.
"Masyadong mahal." bulong ko sa kaniya.
Napalingon siya, "Business, woman."
Humugot ako ng hininga, umiling sabay irap. Walang disiarte.
"Ale, wala po bang tawad?"
"The price is already fixed, Leina." Bulong niya. Nakatuon ang pansin niya sa tindera kaya hindi gaano bumubuka ang bibig.
"Hindi ka nga sigurado kung sakto ba sa kilo ang binibigay,e."
"Hija, hindi kami nandadaya rito. Sakto sa kilo ang ina-abot namin sa mga costumer." Malumanay ang tono ng ale.
Napangiti nalang ako sa kahihiyan.
Tumingin sa 'kin si Felix, nagtama ang mga tingin namin. "See." Sambit niya, umiiling ang ulo at nanlaki ang dalawang mata.
"Ibibigay ko sa inyo ng 240,"
Agad nabaling ang tingin ko sa Ale. Lumunok ako ng sariling laway.
"230 po,"
"Hija, wala na sa tubo 'yan."
"200 po"
"Luging lugi naman ako niyan." Pag-angal ng tindera.
"Stop it, Leina. I can buy it, I have money." Pagmamayabang ng kasama ko.
"Palibhasa barya lang sa inyong mayayaman ang 250," lumaki ang butas ng dalawa kong ilong at tumingin sa gawi kung saan wala siya.
Bigla akong may na-isip. Napatingin ako sa kasama ko, nakangiti.
"What?" Kunot-noo niyang tanong
Binalik ko naman ang atensyon sa tindera.
"Ale, 200 nalang pero pwede niyo pong halikan sa pisngi ang kasama ko." Pakikipag-negosasyon ko.Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa braso ko. Nahila ako, napaharap sa daan.
"Are you insane? I have a girlfriend. And I'm not a product." Pagpoprotesta ng kasama ko.
"Business." Pang-asar ko.
Umirap ako at muling humarap sa tindera.
"Take it or leave it, ale?""Ang barat mong bata ka pero sino bang tatnggi sa alok mo." Sambit ng ale.
Sino ba naang tatanggi sa alok ko. Ang gwapo kaya ng alok ko. Naka-pixie cut ang buhok, may matatangos na ilong at bilugan ang mga mata.
Kumuha ng avocado ang ale at tinimbang. Nakangiti lang siya habang nagtitimbang.
YOU ARE READING
Scream of Affection
Algemene fictieTwo different person who had to deal in affliction. Same pain but not same scene.