Author's POVMalakas na hiyawan ang maririnig sa isang abandonadong parking lot, puro pangalan ang isinisigaw ng mga manonood na halos mawalan na ng boses ang mga tao sa lakas ng kanilang pagsigaw
Kevin's POV
" ano ba ang ingay naman dito, bat mo bako dinala dito! " inis kong tanong sa kaibigan ko dahil pinilit nyakong samahan dito
" basta panoorin natin kung sino na mananalo " sagot nya
" huh? mananalo san? " tanong ko hindi na sya sumagot dahil hinila nya nalang ako papunta sa taas at nakita kong may dalawang maskuladong lalaki na nagsasapakan kita na sa kanila ang dugo, mukhang walang may gusto sa kanilang sumuko
" ano meron jan? " tanong ko sa kanya
" may premyo kasi yan kung sinong manalo " sagot nya sakin habang tutok na tutok sa nagsasapakan
" oh tapos? " tanong ko napabuntong hininga naman siya at tumingin na sakin
" diba magaling ka naman makipaglaban, bat dimo subukan " sagot nya na ikinakunot ng noo ko
" ha? gago kaba?" sagot ko
" ayaw pa malaki narin premyo nyan, pandagdag mo sana sa bayarin nyo " sagot nya kaya napaisip naman ako, ako nalang kasi ang bumubuhay sa kapatid kong si ae 10 taong gulang palang ako ng namatay ang magulang namin at wala narin kaming ibang kilala na kamag-anak namin kaya ako nalang ang nagtataguyod samin ng kapatid ko
" magkano ba premyo nyan " tanong ko dahil parang nagkainteres ako
" 8k " sagot nya, hmm pwede narin di kasi sapat kinikita ko sa mga sideline ko
" baka ikamatay ko lang yan, wag na " sagot ko
" tawagan mo lang ako kung interesado kana " sagot nya na tinanguan ko nalang
..............
" kuya kumain kana? " sagot ng kapatid kong si ae pagkabukas ko agad ng pinto
" oh alas onse na bat gising kapa may pasok kapa bukas ah " sagot ko sabay gulo ko ng buhok niya
" inantay kasi kita para sabay na tayo kumain " sagot niya sabay lapag ng plato sa lamesa
" ganun ba sige kumain na tayo para makatulog kana, gusto mo ba ihatid kita bukas sa school nyo? " tanong ko sa kanya habang nagsasandok ng kanin
" kuya naman senior high school nako, hahatid mo pako " sagot niya
" sige na may lakad din ako bukas mapapadaan ako sa school nyo kaya sumabay kana " sagot ko
" hmm sige kuya bahala ka " sagot niya sakin
ilang minuto ang nakalipas ay tapos narin kaming kumain siya pa sana ang maghuhugas pero sinabi kong ako na kailangan nya pang magpahinga
pagtapos kong maghugas ay agad akong pumasok ng kwarto ko para magpahinga, pagkahiga ko ay naramdaman ko nalang na unti unti nang pumipikit ang mga mata ko at ilang saglit nalang ay nakatulog nako..............
nagising nalang ako ng may kumakatok na sa kwarto ko
" kuya, kuya nakahain na umagahan " sigaw ng kapatid ko
napahilamos naman ako sa mukha ko sabay bangon naghilamos muna ako bago lumabas ng pinto
paglabas ko ay nakita ko si ae na nakaupo sa lamesa suot ang uniform" upo kana kuya " sagot nya ng makita nakong lumabas ng kwarto
" anong oras na ba? " tanong ko habang papaupo sa lamesa