Hindi ako makapaniwala na tatawagan niya ako ng dis-oras ng gabi para papuntahin sa isang 24-hours open na coffee shop para sabihing gusto na niyang makipaghiwalay.
Papunta ako sa cr ng mapadaan ako sa girls room ng may marinig akong tila babaeng umiiyak. Tumingin muna ako sa paligid bago pumasok. Baka kasi may mag-isip ng hindi maganda.
Pagpasok ko, naririnig kong galing sa isang cubicle ang iyak ng isang babae habang nagsasalita.
"Sa dinami-dami kasi ng pagkaka-adikan mo! Yung lalaking yun pa! Yung lalaking alam mo namang sasaktan ka at paiiyakin ka!!"
Siguro, kagaya ko rin siyang bigo ngayon sa pag-ibig.
Umubo ako para linisin ang lalamunan ko. Sabay katok at.
"Miss? Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng kausap?"
Nadinig kong natigil siya sa pag-iyak at natahimik.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Hearts Meet
Teen FictionSundan ang kwento ng dalawang taong magtatagpo nang dahil sa maling pag-ibig.