Kiss me and I'll be yours 6: Aso

489 18 0
                                    

AJ'S POV
Sa Dressing room.

"AJ naging good ang feedback sayo ng mga fans mo pero may percentage pa rin na nag aagainst to you because of your partner, Tiriel. Then so far... Naging successful rin naman ang interview. Congrats na lusutan mo ang tanong" bati ni Mr. Dou.

"edi.... Amin na!" sabi ko sabay lahad ng palad ko.

"di ka pa nga sumasahod nanghihingi ka agad ng pera? Oyyy yung sweldo mo sa magulang mo kuhain. Hinding hindi ko ibibigay sayo ang pera" sabi ni Mr. Dou

"mukha ka talagang pera... I mean yung phone ko" sagot ko.

"ahhh... Linawin mo kase... Oh!? Ito na!" sabi ni Mr. Dou.
Ibinigay nya sa akin yung phone ko.
Biglang may pumasok sa loob.

"excuse me.. Wala munang authograph ngayon" sabi ko habang kalikot ko ang phone ko.

"can I talk to you?"
Napalingon ako at si Tiriel yun.

"kailangan siguro umalis muna ako" sabi ni Mr. Dou at umalis sa kwarto.

"ano ang kailangan mo? Tiriel?" tanong ko.

"umalis lang ako papuntang states... Pagkabalik ko wala ka na? Hindi mo ko hinintay?" sabi nya na nangingiyak sa akin.

"Tiriel... Hindi ako naghintay. Wala akong dahilan para maghintay sa'yo. Malinaw naman ata sayo na magkababata lang tayo bukod dun wala na. I treat you as a friend" sabi ko sa kanya.

"hindi... Ba't ka ganyan? Ba't mo sinabi sa mga tao yun. Hindi mo ba ako naiisip?" tanong nya

"iniisip kita thats why sinabi ko yun para hindi ka umasa Tiriel" pagkakatotoo ko sa kanya "hindi mo ko gusto... Pride mo lang ang nararamdaman mo"..

"ako? Pride? Napaka insensitive mo!" sabi nito

"nahihiya ka kase akala nila magiging tayo... Yun din ang inaasahan mo" sabi ko. Tumayo ako at tinap ang balikat nya. "Tiriel... You are my friend. Nalulungkot lang ako dahil magkaiba tayo ng nararamdaman. Hindi kita gusto lokohin kaya sinasabi ko sayo to"

"No..." sabi nito at umalis.
Siguro nga masakit ang pag kakasabi ko pero mas mabuti na ang ganon.

Umalis na rin ako sa dressing room. Para sa next na schedule ko ngayon.
Lumapit sa akin si Mr. Dou.

"AJ pinapatawag ka ng Mom mo. Family dinner nyo ngayon" paalala nito sa akin.

SORATH'S POV
sa School. Wala si Dianne. Maski si Ma'am Bea. Si AJ naman busy.

"uy" sabi ni Sara at lumapit sa akin. Nasa field kasi ako ngayon.

"ummmhhh.. Sara? Nandyan ka pala" sabi ko at umupo sya sa tabi ko

"alam mo... Nagtataka lang ako e. Ba't ka nandito?! Himala hindi mo kasama si AJ" sabi ni Sara.

"Busy yun" sagot ko. Biglang may syang tumayo.
Napatingin ako sa kanya.

"aalis na ako..." sabi nun.

"sandali... Samahan na kita" sabi ko sa kanya.

"naku hwag na"

"hatid kita"

"naku hwag na"

"ihahatid na kita -,-" sabi ko at hinila sya. Ang kulit ng babaeng to.
Sya lalapit lapit sa akin para daldalin ako e. Basta basta lang ako iiwan.

Lumabas kami sa school.

"hala... Seryoso ihahatid mo ko?" tanong nun. Kala ko mahinhin. Ang daldal pala. "ba't mo naman naisipan?" tanong nito.

Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon