Kabanata 1
"Meron pang gamit doon sa loob pakibuhat na lang ha?salamat"Hapon na ng makarating ang truck na maghahakot ng mga gamit ko babyahe kasi ako ngayon papuntang maynila at magbabakasyon sa bahay ng lola ko sa side ni mama. medyo natagalan pa ang pagpunta ng truck dahil na-traffic daw kasi sila at isa pa, matarik din kasi ang daanan papunta dito sa bahay namin kaya mahihirapan talaga ang malalaking sasakyan na pumasok dito. Abala ngayon sila mama sa pag-aassist sa mga magbubuhat ng gamit ko masyado kasing sigurista si mama kaya wala na akong magagawa doon.
Kinuha kona ang ibang mga gamit at tumulong na rin sa pagbubuhat medyo mag-gagabi narin kasi lalo pa at malayo ang maynila matatagalan din ang biyahe papunta ron. "Ma, mauuna napo ako"nilapitan ko siya at ginawaran ng yakap sigurado kasi akong sobrang mamimiss niya ko baka nga mapilitan pa siyang sumama sakin nito.
"Mag iingat ka doon anak ha? tawagan mo ako kung sakaling magkaproblema ka tinawagan ko na rin kanina ang lola mo at sinabing pakainin ka pagdating doon mamimiss kita anak" niyakap niya rin ako pabalik dinama ko ang bawat segundong kayakap ko pa siya bago ako umalis magiging madalang na rin kasi ang pag-uwi ko dito dahil gusto ni lola na mag-aral ako doon siya lang kasi ang mag-isa sa bahay na 'yon simula nung mamatay si lolo. nginitian ko siya "makakaasa po kayo ma, mag-aaral po ako ng mabuti doon at hindi po muna ako magboboyfriend!" itinaas ko ang isa kong kamay na ikinatawa naman niya.
"Naku ikaw talagang bata ka! pero anak, ok lang naman kay mama na magkaroon ka ng boyfriend hindi naman kita pinagbabawalan ang gusto ko lang ay ituon mo ang atensyon mo sa pag-aaral at magseryoso ka dahil 'yan lang ang maipamamana ko sayo" hinawakan niya ang pisngi ko saka ngumiti napapikit ako ng haplusin niya ito. Pero alam ko parin sa sarili ko na hindi ako interesado sa pag-ibig kahit kailan, ang goal ko lang ngayon ay ang makilala at mahanap ang tatay ko bago ako makapagtapos ng kolehiyo at makahanap ng disenteng trabaho.
"Mahal na mahal kita ma" ani ko at hinawakan ang kaniyang palad na humahaplos ngayon sa pisngi ko."Mahal na mahal din kita anak" binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago sumakay sa van. Sa huling pagkakataon napatingin ako sa babaeng dahilan kung bakit ako nandito at nabubuhay ng puno ng pagmamahal sa mundong ito.
Ilang oras din ang itinagal ng biyahe namin papuntang maynila ginabi narin kami, isinandal ko ang ulo ko sa may bintana at isinukbit ang earphones ko sa tenga.
Calista Delos Reyes ang pangalan ko 4th year college na sa paparating na pasukan kakadebut ko lang 'nung nakaraang araw hindi kona ninais pang magkaroon ng malaking handaan mas okay na rin kasi na kasama ko si mama at ang ibang kamag anak sa 18th birthday ko wala din kasi kaming sapat na pera para makapaghanda ng marami.
Sa pamilya, ako ang panganay meron akong isang kapatid na lalaki si Ciandrei Delos Reyes 2nd year high-school na ngayong pasukan madalas din siyang wala sa bahay dahil lagi siyang pumupunta sa ilalim ng acasia malapit sa likod bahay ng kapitbahay namin at doon tumutugtog ng gitara pangarap 'raw kasi niyang magkaroon ng sariling album kaya gustong gusto talagang 'niyang matuto. Simple lang naman akong tao pati ang pananamit ko ay ganun din maging ang bawat kilos, pananalita at maging sa school ay simple lang ako.
Over-sized shirt na black at may nakalagay na nike sa gilid , ripped jeans na dark blue at white shoes lang ang suot ko ngayon.Nakapusod rin ang mahaba kong buhok at may mga kaunting hibla ng buhok sa gilid.Suot suot ko rin ang itim kong specs na ginagamit ko kapag nagbabasa ng libro.Mahilig 'din talaga akong magbasa ng libro wala 'yatang araw na hindi ako nagbasa bukod doon meron din akong ibang pinagkakaabalahan tulad ng pagkuha ng iba't ibang litrato at pagdodrawing.Dahil Architecture ang kinuha kong course sa college.